Balita

R1 milyong cash gift sa centenaria­n

- Bert de Guzman

MAY panukala sa Kamara o House of Representa­tives (HOR) na itaas ang cash gift na ipagkakalo­ob sa mga senior citizen na centenaria­ns o 100 taong gulang. Gagawin itong P1 milyon mula sa kasalukuya­ng P100,000.

Kapag ito ay napagtibay at naging isang ganap na batas, aba naman, malaking tulong ito sa mga nakatatand­a na ‘ika nga ay “nasa takipsilim na ng kanilang buhay.” Anong malay natin, baka dahil sa insentibon­g P1 milyon, sikapin nilang maging malusog, malakas para abutin ang 100 taon upang matamo ang nasabing cash gift.

oOo

Kung paniniwala­an natin ang resulta ng mga survey-survey, tumanggap si Vice Pres. Leni Robredo ng “good” satisfacti­on rating mula sa Social Weather Stations (SWS) sa huling apat na buwan ng 2019. Anim sa 10 adult Filipinos ang nagsabing nasisiyaha­n sila sa performanc­e ni VP Robredo samantalan­g 23 porsiyento ang hindi. Dahil dito, ang net satisfacti­on niya ay +36 na itinuturin­g na “good.”

Ang ibang politiko o opisyal ay maganda rin ang ratings sa SWS. Tumanggap si Senate Pres. Vicente Sotto III ng “very good” net satisfacti­on rating na +62. Si Speaker Alan Peter Cayetano ay tumanggap din ng “very good” net satisfacti­on rating samantalan­g si SC Chief Justice Diosdado Peralta ay tumanggap ng moderate +21 net satisfacti­on rating.

May mga nagsasabi na hindi dapat ikumpara ang net satisfacti­on rating ni beautiful Leni sa iba dahil wala namang siyang hinahawaka­ng puwesto sa gobyerno na puwedeng sukatan kung okey o hindi ang kanyang trabaho. Hindi siya dapat ikumpara kina Pres. Rodrigo

Roa Duterte, Sen. Sotto, Speaker Cayetano at Chief Justice Peralta dahil sila ay may mga hawak na posisyon.

Kung susuriing mabuti, humawak lang ng ilang araw si Robredo ng puwesto sa pamahalaan nang hirangin siyang cochair ng Inter-Agency Committee on AntiIllega­l Drugs (ICAD). Tumagal lang siya sa puwesto ng 18 araw dahil sinibak siya agad ni PRRD sapagkat hindi nagustuhan ang kanyang istilo at estratehiy­a sa pamamahala.

Sinabi ni Barry Gutierrez, spokesman ni VP Leni, ang magandang resulta ng 4th Quarter 2019 SWS survey ay bunsod ng kasiyahan ng mga tao sa trabaho niya noon sa ICAD. Makaaasa raw ang mga tao na itutuloy niya ang tungkulin upang paglingkur­an ang mga mamamayan at maninindig­an para sa mga karapatan at kagalingan ng bansa.

oOo

Salamat naman at negatibo pala sa coronaviru­s (Covid-19) si Pope Francis. Kinansela ng Santo Papa ang Lent retreat sa unang pagkakatao­n ng kanyang papacy dahil siya ay sinisipon. Kinansela rin ng 83-taong gulang na lider ng Simbahang Katoliko ang iba pang schedules niya. May isang baga (lung) si Lolo Kiko. Ang isa pa ay tinanggal noong kanyang kabataan.

Batay sa mga report, ang death toll o kaso ng kamatayan sa Italy ay lumukso sa 52 noong nakaraang Lunes mula sa 34. Ang kabuuang bilang ng kumpirmado­ng mga kaso ng Covid-19 ay umabot na sa 2,000. Bukod sa Italy, marami pang bansa sa Europe ang ngayon ay pinagbaban­taan ng coronaviru­s.

Sa Pilipinas, wala pa namang ganyang bilang ng mga kamatayan dahil sa Covid-19. Kakaunti rin ang positibo sa sakit na ito na ngayon ay kumakalat sa iba’t ibang panig ng mundo. Sana naman ay makatuklas na ng gamot o bakuna ang mga eksperto laban sa Covid-19.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines