Balita

Ikalawang linggo ng Kuwaresma: Humingi ng patawad sa maawaing Diyos

- Ni CHRISTINA I. HERMOSO

SA pagpasok ng mga Kristiyano sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma ngayong araw, Marso 8, nanawagan ang isang lider ng Simbahan sa mga mananampal­ataya “to seek forgivenes­s from God who is always merciful.”

Pinayuhan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga mananampal­ataya na huwag mag-dalawang isip na humingi ng kapatawara­n sa Diyos sa kabila ng pagiging makasalana­n at kawalang-halaga.

“God is merciful and forgiving. He is ready to receive all who come to Him, even the gravest of sinners. Come to God. He is ready to forgive” pahayag ni Gaa Church-run Radio Veritas.

“We only need to humble ourselves like the example given by Jesus Christ. Maybe, a person is hesitant to come to God because of the enormous offenses that he has committed against others and against God, but remember that, we have a merciful God who is always ready to forgive and accept us back,”dagdag pa ng Obispo.

Hinikayat din ni Bishop Gaa ang mga Katoliko na gawing makabuluha­n ang paggunita ng 40 araw ng panahon ng Kuwaresma.

“Let us make the Lenten season meaningful as we await the resurrecti­on of Christ on Easter Sunday. Christ gave up His life to save mankind. He suffered for our sins. Let us not be afraid to come to God and renew our lives,”pahayag ng opisyal.

Patuloy na hinihikaya­t ng mga opisyal ng Simbahan ang mga mananampal­ataya “to examine their conscience, to repent of any sin, and to observe the Sacrament of Penance” habang papalapit ang paggunita sa Mahal na Araw.

Bubuksan sa mas mahabang oras ang confession­al, upang mas maraming Katoliko ang makapangum­pisal. Pinaalalah­anan din ng Simbahan ang mga Katoliko na isabuhay ang tatlong tenets sa panahon ng Kuwaresma: ang almsgiving, prayer, at fasting bilang bahagi ng pagsasakri­pisyo at pagtugon sa panawagan ni Pope Francis sa mga Kristiyano “to observe mercy and compassion” sa kapwa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines