Paulo at Alden, friends pala

Balita - - Showbiz Atbp. - Nitz Miralles

MAGKAIBIGA­N pala sina Paulo Avelino at Alden Richards at kuwento nang nag-set up ng gaming rig ni Alden, si Paulo ang nagrekomen­da sa kanya kay Alden. Kasama pa nga si Paulo ni Mark van Acosta ng Declassifi­ed Systems na nag-set up ng gaming rig sa bahay ni Alden sa Quezon City.

Kaya pala nasa photo rin si Paulo kasama nina Alden at Mark dahil present ang Kapamilya actor nang i-set up ang gaming rig ni Alden sa sabi ni Mark, bahay ni Alden sa Quezon City. Baka condo ni Alden sa Kyusi ang gustong tukuyin ni Mark dahil sa Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna ang bahay nina Alden.

Sa phone interview ng GMA Network kay Mark sabi nito, “Si Paulo talaga ‘yung pinakasuki ko kasi lima na ‘yung nagawa ko sa kanya and then he was the one who referred me to Alden. So, dun kami nagkakilal­a.”

Nang magkausap, sinabi ni Alden kay Mark kung ano ang gusto niya na sinunod ni Mark.

“Yung kay Alden, gusto niya ‘yung pang-gaming and streaming. Then based dun, pumili ako ng specs kaya ‘yung Asus ‘yung pinili ko for monitors nya at lahat ng kailangan,” patuloy ni Mark.

Hindi basta-basta ang gaming rig ni Alden dahil may netizen na nag-itemize sa bawat parts ng gaming and streaming set up at umabot sa almost half a million pesos lahat. Hindi pa raw kasama roon ang labor, kaya imadyinin na lang natin kung magkano inabot ang gaming set up ni Alden.

Ang daming nag-wish na mga gamer na sana may ganu’ng set up din sila gaya ng

kay Alden. Galing sa gaming and streaming set up ang hashtag na #AldenPauta­ng na nag-trending at ibinalita sa 24 Oras, ibinalita ng ABSCBN, News5, Esquire, Spin.ph at sa marami pang news outlet online.

Speaking of Alden, may nabanggit itong may announceme­nt siya sa concert niya sa July 25 sa Smart Araneta Coliseum. Excited na ang fans nito sa pag-aabang kung anong announceme­nt ang gagawin ni Alden.

Sa ngayon, patuloy siyang napapanood sa All-Out Sundays at sa Centerstag­e na napupuri dahil sa original concept.

Paulo, Alden at Mark

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.