Balita

Major US electronic dance fest, kanselado dahil sa coronaviru­s

- Manila Bulletin Entertainm­ent

KINANSELA na ang taunang electronic dance music festival Ultra sa Miami, na humahakot ng mahigit 160,000 fans sa beachfront city, dahil sa patuloy nab anta ng coronaviru­s crisis.

“We completely understand how extremely frustratin­g this is because so many of you are looking forward to coming to Ultra, having already made travel arrangemen­ts,” pahayag ng festival organizer.

“This is, however, an unpreceden­ted issue which is not being taken lightly, and we must continue to defer to the authoritie­s for guidance.”

Nakatakda sanang magtanghal sa Marso 20-22 ang ilang major DJs kabilang sina Gesaffelst­ein at Sofi Tukker.

Bukod sa Miami, kanselado na rin ang edition ng festival sa Abu Dhabi, na dapat sanang idinaos nitong Marso 5-6.

Nasa mahigit 100,000 kumpirmado­ng kaso na ng COVID-19 ang naitala sa 92 bansa, ayon sa tala ng AFP habang nasa 3,500 na ang namatay. Nakapagtal­a naman ang Florida ng siyam na kaso.

Apektado naman ng kanselasyo­n ang turismo ng estado, na dumedepend­e rin ng malaki sa mga bisita na pumupunta sa lugar sa mga buwan ng Marso at Abril, para sa spring break.

Malaking dagok din sa world markets ang pagkakanse­la ng ilang malalaking music events. Noong Enero, inanunsiyo ng

Boston Symphony Orchestra ang kanselasyo­n ng a four-city Asia tour nito dahil sa virus.

Habang nagdeklara naman ang New York’s Metropolit­an Opera ng 14-day quarantine para sa lahat ng performers, artists at iba pang empleyado na magmumula sa China, Iran, South Korea, Japan, Italy at Hong Kong.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng komento ang Coachella, nakatakdan­g magbukas sa weekend ng April 10 sa California desert, nang hingan ng kumpirmasy­on kung matutuloy pa ang event.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines