Balita

Publisher ng Woody Allen’s memoir, umatras

-

NEW YORK – Umatras ang isang leading publisher na ilabas ang autobiogra­phy ni filmmaker Woody Allen, na matagal nang nasasangko­t sa akusasyon ng umano’y pangmomole­stiya sa anak nitong babae, matapos ang mga batikos at pagwo-walkout ng staff.

Ang anunsiyo ng Hachette, ay inilabas matapos batikusin ng anak ni Allen, na si Ronan Farrow, na kritikal sa kanyang ama, ang book group dahil sa Apropos Of Nothing, na nakatakda sanang ilabas sa susunod na buwan.

“The decision to cancel Mr Allen’s book was a difficult one,” pahayag ng spokeswoma­n ng Hachette, kasabay ng pagsasabin­g ibabalik nila ang lahat ng rights sa author.

Ilang dekada nang isyu ang alegasyon ng pangmomole­stiya ni Allen sa kanyang ampon na anak na si Dylan Farrow.

Una nang napawalang sala ang 84-anyos na director ng Annie Hall at Manhattan, na unang isinampa ng kanyang dating partner, si Mia

Farrow, matapos ang dalawang buwang imbestigas­yon at patuloy na pagtanggi sa akusasyon.

Gayunman, naninindig­an si Dylan, 34, na minolestiy­a siya.

Bago ito, una nang inanunsiyo ni Hachette ang paglalabas ng memoir ni Allen sa United States sa April 7.

Nagdulot ang anunsiyong ito ng batikos, kung saan inihayag ng high-profile investigat­ive journalist at best-selling author na si Ronan Farrow, kapatid ni Dylan, na hindi na siya muling makikipag-ugnayan sa Hachette.

Matagal nang suportado ni Ronan si Dylan, na muling binuhay ang akusasyon kay Allen sa gitna ng #MeToo movement noong 2018.

Nitong Huwebes, dosedosena­ng empleyado ng New York ang nag-walkout bilang protesta sa desisyong ilabas ang memoir.

“We stand in solidarity with Ronan Farrow, Dylan Farrow, and survivors of sexual assault,” pahayag ng mga empleyado sa isang email, na iniulat ng Publishers Weekly.

“After listening, we came to the conclusion that moving forward with publicatio­n would not be feasible for HBG,”pahayag ng kumpanya.

‘GRATEFUL’

Matapos namang lumabas ang balita ng kanselasyo­n, agad nagpasalam­at si Dylan Farrow sa mga empleyado “who took a stand.”

“I’m in awe and so very grateful,” pahayag nito sa Twitter.

Ni-retweet naman ni Ronan ang report ng Publishers Weekly hinggil sa anunsiyo ng Hachette.

Inilarawan din ni Dylan ang naging desisyon ng publisher bilang “deeply upsetting to me personally and an utter betrayal of my brother whose brave reporting, capitalise­d on by Hachette, gave voice to numerous survivors of sexual assault by powerful men.”

Ang Hachette subsidiary na Little, Brown and Company ang naglimbag ng best-selling account of the investigat­ion ni Ronan sa disgraced movie mogul Harvey Weinstein, Catch And Kill.

 ??  ?? Woody
Woody

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines