Balita

PBA Season, simula ngayon sa Big Dome

- Marivic Awitan

PORMAL na magbubukas ang ika-45 taon ng Philippine Basketball Associatio­n ngayon kung saan tampok ang nag-iisang laban sa pagitan ng reigning 5-time titlist San Miguel Beermen at ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok para sa season-opening Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Ganap na 7:30 ng gabi ang tapatang Beermen-Hotshots na maagang rematch ng nakaraang taong All-Filipino finals.

Sisimulan ng Beermen ang kanilang kampanya para sa target na ika-6 na sunod na Philippine Cup crown na wala si 5-time league MVP na si June Mar Fajardo dahil sa injury.

Bukod kay Fajardo, bagamat posibleng makalaro ay may iniinda ring injury ang dalawa pa nilang key players na sina Marcio Lassiter at Terrence Romeo.

Sa kabila ng kinakahara­p na sitwasyon, nagpahayag ng kanilang kahandaan ang Beermen sa kanilang gagawing title defense.

“We definitely learned a lot in the preseason and we know where we are at heading into the All-Filipino tournament. We are going to make the adjustment­s and come up with a game plan that suits what we have,” pahayag ni San Miguel coach Leo Austria.

“I had the chance to work with the players that we have, both old and new, and experiment­ed a little bit. So we’ll see,” aniya.

Sa panig naman ng Magnolia, sisikapin nilang makabawi sa kabiguang natamo sa nakalipas na taon.

“It’s still in our minds (the finals lost last year). We came so close and it’s one of our motivation­s coming into the tournament,” ani Magnolia coach Chito Victolero.

Mauuna rito, isasagawa ang taunang PBA Leo Awards kung saan pararangal­an anh mga top individual performers noong isang taon.Kabilang sa mga parangal na igagawad ay ang mythical selections, rookie of the year, most improved player, defensive player at defensive team, sportsmans­hip, at MVP kung saan matunog na tumanggap ng kanyang ika-6 na sunod na MVP trophy si Fajardo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines