Balita

1 PA, NAHAWAAN NG COVID-19

Public health emergency, iginiit

- Nina ANALOU DE VERA, MARY ANN SANTIAGO, at BELLA GAMOTEA

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) kahapon nahawaan din ng coronaviru­s disease 2019 ang misis ng 62-anyos na nauna nang nagpositib­o sa naturang virus.

Binanggit ni DOH Secretary Francisco Duque III, nakaratay na aniya sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang nasabing 59taong gulang na asawa ng unang tinamaan ng virus sa Pilipinas.

Inihayag ng opisyal na nitong Marso 5 pa na-admit sa RITM ang babae dahil nakaranas ng pag-ubo.

Ito na aniya ang ikaanim na kaso ng virus sa Pilipinas.

Kaugnay nito, inirekomen­da ng DOH sa gobyerno na magdeklara na ng state of public health emergency.

“The DOH is currently exhausting all its efforts to identify others who may have come in contact with the confirmed cases to ensure that this localized transmissi­on does not progress to community spread,” paliwanag ni Duque sa isang pulong balitaan sa DOH-Central Office sa

Maynila.

“In light of the confirmati­on of localized transmissi­on in the country and in anticipati­on of possible sustained community transmissi­on, DOH has raised the COVID-19 Alert System to Code Red sublevel 1. This is a preemptive call to ensure that national and local government­s and public and private health care providers can prepare for possible increase in suspected and confirmed cases,” banggit pa nito.

Kaugnay nito, nasa 40 Pinoy worker na nawalan ng trabaho sa Hong Kong dahil sa COVID-19 ang inayudahan ng pamahalaan.

Nagkaloob ang Konsuldao ng Pilipinas at ng Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administra­tion sa Hong Kong SAR (POLO-OWWA) ng legal legal advice at iba pang ayuda ukol sa salary claims at mga benepisyo sa mga overseas Filipino worker (OFW) na na-terminate ang kanilang kontrata dahil sa banta ng pagkalat ng virus sa

Hong Kong.

Sinabi ng POLO-OWWA na natulungan nila ang OFWs sa computatio­n ng kanilang suweldo, serbisyo at iba pang benepisyon­g nais kunin ng mga ito sa employers. Ang mga OFW na may reklamo sa pagkuha ng day-off ay pinapayuha­ng magsampa ng kaso sa Labour Relations Division o Equal Opportunit­ies Commission.

Samantala, ang mga terminated OFW dahil sa employers’ relocation ay inasisteha­n sa Hong Kong Immigratio­n Department upang makukha ang ID 522. Ang pag-iisyu sa ganitong ID ay para ang natanggal sa trabahong OFWs ay mailipat siya sa bagong employer; maproseso ang bagong kontrata at work visa nito,habang nasa Hong Kong.

“The OWWA shall provide livelihood or employment assistance to displaced OFWs deciding to permanentl­y come home,” ani OWWA Administra­tor Hans Leo Cacdac nitong Marso 3 sa pamamagita­n ng kanyang account.

 ?? MARK BALMORES ?? BAGO PO ‘TO Nagbibigay ng pinakahuli­ng impormasyo­n si Department of Health Secretary Francisco Duque, kasama sina Dr. Rabindra Abeyasi Singhe at Research Institute for Tropical Medicine director Celia Carlos, at Usecretary Maria Rosario SinghVerge­rie, kaugnay ng coronaviru­s disease 2019, kahapon.
MARK BALMORES BAGO PO ‘TO Nagbibigay ng pinakahuli­ng impormasyo­n si Department of Health Secretary Francisco Duque, kasama sina Dr. Rabindra Abeyasi Singhe at Research Institute for Tropical Medicine director Celia Carlos, at Usecretary Maria Rosario SinghVerge­rie, kaugnay ng coronaviru­s disease 2019, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines