Balita

Tom, namaalam na sa serye

- Nora V. Calderon

ILANG araw na nakaraan, maraming netizens na sumusubayb­ay sa GMA Primetime

Telebabad series na Love of my Life na

nagtatampo­k kina Tom Rodriguez, Carla Abellana, Rhian Ramos,

Mikael Daez at si Ms. Coney Reyes, ang umapela sa mga writers at kay Direk Don Michael kung pwedeng huwag patayin ang character ni Stefano (Tom), lagyan daw ng twist ang story na gumaling siya sa kanyang pancreatic cancer. Pero hindi na sila napagbigya­n dahil nasa stage 4 na ang cancer ni Stefano.

At last Thursday’s episode, bumuhos nga ang luha ng mga televiewer­s habang nagpapaala­m na si Stefano kay Adelle (Carla), Kelly (Rhian), Nikolai (Mikael) at sa dalawang anak niya, ang adopted son na si Andrei at si Gideon (anak niya kay Kelly) at halos hindi na umabot dumating si Isabella (Coney) at sa kanyang kandungan pumanaw ang anak.

Thursday evening naman ay naging issue ang bilin ni Stefano na gusto niyang ma-cremate ang body at walang burol na magaganap dahil ang ashes niya isasaboy sa kanilang farm. Nagmatigas si Isabella na siya ang masusunod bilang ina, hindi raw mababago ang tradisyon ng pamilya kaya iuuwi niya sa Manila si Stefano at doon ibuburol, pero ipinilit nina Adelle na sundin ang gusto ni Stefano. Tinawagan pa ni Isabella ang lawyer niya at sino raw ang may karapatan sa kanila ni Adelle. Si Adelle daw, kaya lang pumayag na rin si Adelle na sundin na nila ang gusto ni Isabella.

Kaya bumuhos na ang comments ng mga netizens: “Been crying the whole time I watched” – Cerise Love “My heart still breaks for Stefano” – Hikikomori Boy “So much emotion at one scene” - Mam Say “The cast and the show itself deserve recognitio­n and awards.” – Helaine R “Congrats to the whole cast!” – Joanne Vicente

Ang “Love of my Life” ay napapanood weeknights after Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

 ??  ?? Tom
Tom

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines