Audio recordings ng usapan nina Amber at Johnny Depp, ilalabas sa korte

Balita - - Showbiz - Ni RICHA NORIEGA

INIUTOS ng korte kay Johnny Depp na ilabas ang audio recordings ng kanyang pakikipagu­sap sa kanyang ex-wife Amber Heard para sa pagdinig ng kaso laban sa British tabloid, na The

Sun.

Idinemanda ng The Pirates of The Caribbean star ang The Sun’s publisher, News Group

Newspapers (NGN), at newspaper’s executive editor Dan Wootton hinggil sa isang article, kung saan tinawag siyang “wife-beater” matapos ang pakikipagh­iwalay niya kay Amber noong 2016, branding him a domestic abuser.

Ayon sa Press Associatio­n, iniutos ni British High Court judge Andrew Nicol na may apat na araw si Johnny para isumite ang audio niyang hawak.

Sa pahayag ng mga abugado ng aktor, bahagi umano ng audio ang paguusap nila Amber at Johnny hinggil sa pagiging bayolente ng modelo kay Johnny, sa halip na ang pang-aabuso ni Johnny kay

Amber.

Sinabi naman ng kinatawan ng aktor, na si David Sherborne, na ang ebidensiya ay nagpapatun­ay na “she was not a victim of domestic abuse,” at sa halip ay “the aggressor”.

Bukod sa audio recordings, iniutos din ng judge na magsumite ang kampo ni Johnny ng higit pang ebidensiya, kabilang ang mga dokumento para sa divorce proceeding­s ng dalawa, at ang pagtataka na makakuha ng medical records. Gayunman, hindi naman pumasa sa hukom ang aplikasyon ng NGN, hinggil sa umano’y text messages ni Johnny sa kanyang kaibigan, ang British actor na si Paul Bettany, bilang ebidensiya. Sa mensahe umano nabanggit ni Johnny ang tungkol sa paglunod at pag-sunod sa ex-wife nito, nanakipag-divorce noong 2017. Ayon sa Lone Ranger actor, iginiit ng atikulo ng The Sun na guilty siya sa kaso ng domestic violence, na nakaapekto sa kanyang trabaho at kaso ng divorce. Masisimula ang trial sa Marso 23.

Johnny

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.