Cavite Pawnstorm Chess Club itinatag

Balita - - Sports -

PORMAL ng miyembro ng National Chess Federation of the Philippine­s ang bagong tatag na Cavite Pawnstorm Chess Club, ayon kina Cavite Pawnstorm Chess Club president Exequiel “Sonny” Ilustre at treasurer Amelito “Bobot” Reyes.

Ang iba pang miyembro ng Cavite Pawnstorm Chess Club ay kinabibila­ngan din nina VP Danny Benueza, Sec Robert Grepo, PRO Armand Arayata at Board members Andy Polistico at Roberto Vasquez.

Sa unang salvo agad ng Cavite Pawnstorm Chess Club ay magiging punong abala agad sa pagdaraos ng Non-Master 2200 and below rapid chess tournament na ipapatupad ang seven-round Swiss System na may 15-minute time control format.

Nakalaan sa magkakampe­on ang P2,000 sa event na sinuportah­an nina Noveleta Mayor Dino Chua, Cavite City Vice Mayor Denver Chua at Cavite Board Member Davey Chua na pangangasi­waan nina Fide national arbiters Byron Villar at Israel Landicho ng Chess Arbiter Union of the Philippine­s (CAUP) at sanction tournament ng National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP).

Mag call o text kina Fide national arbiters Byron Villar (0908358-2520) at Israel Landicho (0930226-7027) para sa dagdag detalye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.