Ramirez, PSA ‘Executive of the Year’

Balita - - Sports - Annie Abad

KINILALA bilang Executive of the Year si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez sa ginanap na SMCPSA Annual Awards Night Biyernes ng gabi sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Ang 69-anyos na si Ramirez ay pinarangal­an ng mga grupo ng media na nagkokober ng sports sa kanyang paggabay sa mga Pilipinong Atleta na sumabak sa 2019 Southeast Asian Games at nakakuha ng overall championsh­ip.

Ang Philippine Sports Commission (PSC) chief din na si Ramirez ang nagbigay ng kauna-unahang overall championsh­ip sa bansa, noong 2005 SEA Games, kung saan siya rin ang namuno bilang Chef de Mission ng Team Philippine­s.

Humakot ng kabuuang 149 gold, 117 silver, at 121 bronze medals ang Team Pgilippine­s sa nakaraang biennial meet, kung kaya naman sila din ang tinanghal na Athletes of the Year sa nasabing Gabi ng Parangal.

Pinarangal­an din sa nasabing event ang mga premyadong sports personalit­ies na nagbigay ng malaking ambag sa Philippine sports gaya nina Manny V. Pangilinan, Hans Sy, Ricky Va

Tinanggap naman ni Efren “Bata”Reyes ang Lifetime Achievemen­t Award at siya ring naging guest speaker sa nasabing pagdiriwan­g.

Iginawad naman kay Carlos Edriel Yulo ang President’s Award, habang ang Boxing Associatio­n naman ang National Sports Associatio­n (NSA) of the Year.

Kabilang din sa mga pinarangal­an ang mga pambatong atleta ng bansa na sina Hidilyn Diaz NG weightlift­ing, Ang pole vaulter na si Ej Obiena at at lady boxer na si Nesthy Petecio para sa Major Award gayundin si Jerwin Ancajas na IBF champion.

Tinanggap naman ni Sisi Rondinas Ms.Volleyball award habang Mr. Volleyball naman si Bryan Bagunas, Ms. Golf si Bianca Pagdangana­n at Mr. Football naman si Stephen Schrock.

Bigay din ang mga awards na Coach of the Year Kay Patrick Aquino, Tony Siddayao Awards, MILO Junior Athletes Award, at mga citations partikular na sa mga gold medalists ng SEA Games.

Nagkaloob din ng posthumous award para sa mga sports personalit­ies na yumao na.

“Thank you for making all of these possible and let’s continue to support the Philippine Sports,” pahayag naman ng presidents ng PSA na si Tito S. Talao na siya ring sports editor ng Manila Bulletin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.