Aktres direktor pinauwi ng direktor

Balita - - Showbiz Atbp. - ni(aktres), okay na po direk, sinunod ko na sinabi mo. “Naloka si direk, tinanong niya si (aktres), ‘nag-action na ba ako?’ Hayun, nagkagulat­an

ISANG batikang direktor ang bumalik sa pagdidirek ngayon na ‘naloka’ sa isang aktres na kasama sa pelikula dahil hindi pa siya sumisigaw ng ‘action’ ay umarte na kaagad na nu’ng una ay inakalang rehearsal lang, totohanang acting na pala.

Kuwento mismo ng staff ng production ng pelikulang ginagawa ng batikang direktor, “nagbibigay ng instructio­n si direk kay (aktres) kung ano ang gagawin at sasabihin, puro ‘okay po, direk, noted’ ang sabi nya.

“Si direk papunta na sa puwesto niya, itong si (aktres), hindi namin alam kung nire-rehearse niya ang sarili niya habang papunta si direk sa monitor kasi umaarte na, napansin ni direk at tinanong, sabi niya si (aktres), 'nag-action na ba ako?' Hayun,Nagkagulat­an sa set. “Hayun, pagkatapos pagalitan, pinauwi na. Si (aktres), hayun umiiyak na umalis sa set."

Nanghinaya­ng kami sa aktres na kasama sa pelikula ng batikang direktor dahil bihira pa naan siyang gumawa ng pelikula at kapag gumawa naman ay laging maraming nakukuhang award at inilalaban pa sa ibang bansa

Hindi kaya inatake ng nerbyos ang aktres? Lalo’t sikat at guwapo ang bida sa pelikula?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.