Balita

Shaina, may butt exposure sa ‘Tagpuan’?

- Ni REGGEE BONOAN

LOVE STORY ng matured people ang gist ng kuwento ng Tagpuan nina Congressma­n Alfred Vargas, Shaina Magdayao at Iza Calzado mula sa panulat ni Ricky Lee at idinirek naman ni MacArthur Alejandre produced ng Alternativ­e Vision (AV) Cinema na isa sa entry ng 1st Metro Manila Summer Film Festival na mapapanood simila Abril 11-21.

Nabanggit ni direk Mac na bilib siya kay Shaina dahil wala itong qualms sa love scenes nila ni Alfred dahil ang aktres pa ang nag-alok na magpakita ng butt.

Say naman ng dalaga, “Kung kailangan po sa materyal hindi po just for the sake na ‘ay magpapakit­a ng puwet’ At saka hindi naman close-up po, kung magwa-wide shot si direk and you know nangyayari ‘yun, baka kailangan po kasi pero hindi naman kinailanga­n and the shots that we did was the only one na kailangan and essential sa story and hindi po para maka-grab lang ng atensyon sa mga manonood. More than the physical scenes or more that the vulgar or intimate scenes, we want the people to watch our story and understand our characters.”

Napangiti si Shaina sa tanong kung ipinagpaal­am niya ang daring scenes kay Piolo Pascual.

“I think pag trabaho naman po, wala itong problema and even sa family ko because they’re really trust my decisions and hindi ko naman po gagawin ang isang bagay ng hindi kailangan talaga,” katwiran ng dalaga.

At sa one-on-one interview kay Shaina ay inamin nitong hindi niya natanggiha­n ang pelikula dahil sinulat ito ni Ricky Lee na sobrang laki ng paghanga niya sa premyadong manunulat.

“It’s just that it’s a Ricky Lee material, I had to say yes right away and working with Alfred for the first time and also with direk Mac and encounteri­ng something like this na never ko pa pong ginawa kaya um-oo ako kaagad.

“Although nagkaroon ng challenges because I was doing Nang Ngumiti ang Langit (teleserye sa ABS-CBN) and I was set to do this. Naniniwala ako na kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga and magagawan ng paraan ng schedule and nagawan ng paraan ng schedule to think na out of the country pa ‘yung shoot (Hongkong at New York City, USA) and I’m very happy,”pahayag ng aktres.

 ??  ??
 ??  ?? Shaina
Shaina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines