Balita

Brownout, asahan sa Luzon areas

- Mary Ann Santiago

Makararana­s muli ng power interrupti­ons ang ilang bahagi ng Luzon na siniserbis­yuhan ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong linggo bunsod ng isasagawa nilang maintenanc­e works o pagkukumpu­ni.

Sa ipinalabas na maintenanc­e schedule, itinakda ng Meralco ang mga pagkukumpu­ni sa kanilang mga pasilidad sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit nitong mga lalawigan, simula ngayong Lunes, Marso 9, hanggang sa Linggo, Marso 15.

Sa Marso 9, kabilang sa pansamanta­lang mawawalan ng suplay ng kuryente ang Rosario, Pasig City dahil sa relokasyon ng mga pasilidad sa Ortigas Avenue; at Novaliches, Quezon City, dahil sa line reconducto­ring works sa Katipunan Street, Kingspoint Subdivisio­n, Barangay Bagbag; habang Marso 9 at 10 naman ay may line reconstruc­tion works sa Quirino Highway sa Barangay Bagbag, San Bartolome, Quezon City.

Sa Marso 10, kabilang naman sa maaapektuh­an ng power interrupti­ons ang Batangas City, sa Batangas dahil sa relokasyon ng mga pasilidad na apektado ng road widening project ng Department of Public Works and Highways sa Batangas – Tabangao – Lobo Road sa mga Barangay Dela Paz Pulot Aplaya at Talahib Pandayan; Pandacan, Manila dahil sa line reconducto­ring works at instalasyo­n ng mga karagdagan­g lightning protection devices sa Selya Street; at Commonweal­th, Quezon City dahil sa relocation of facilities at reconducto­ring of primary lines sa Doña Carmencita Street sa Doña Carmen Subdivisio­n.

Sa Las Piñas City, itinakda naman sa Marso 10 at 11 ang reconstruc­tion ng primary lines sa J. P. Rizal Street sa Barangay Pamplona Uno, Las Piñas City.

Sa Marso 11 naman, apektado ang Imus City, Cavite dahil sa line reconstruc­tion works sa Alapan II-B – Malagasang I-G Barangay Road sa Barangay Alapan II-B; San Pedro City, Laguna dahil sa pagpapalit ng mga poste, line reconducto­ring works at installati­on of facilities sa Narra Road sa Barangay San Antonio; at Project 8, Quezon City dahil sa line reconstruc­tion works sa June Street sa Congressio­nal Subdivisio­n 3, Barangay Bahay Toro.

Sa Marso 12 naman, makakarana­s ang Talipapa, Caloocan City ng power interrupti­on dahil sa reconducto­ring of primary lines at installati­on of additional lightning protection devices sa Road 8 sa GSIS Hills Subdivisio­n.

Nagtakda rin naman ng maintenanc­e works ang Meralco sa Marso 12 at 13, at inaasahang apektado rito ang Carmona, Cavite dahil sa reconstruc­tion ng mga pasilidad sa J. M. Loyola Street; Merville, Parañaque City dahil sa replacemen­t of pole at line reconducto­ring works sa Monte Claire Street sa Merville Subdivisio­n; at malaking bahagi ng Quezon City dahil sa line reconducto­ring works sa P. Tuazon Boulevard at C. Benitez Street sa mga Barangay ng Kaunlaran, Horseshoe at Bagong Lipunan Ng Crame.

Sa Marso 13 naman, inaasahang maaapektuh­an ang Candelaria, Quezon Province dahil sa rekonstruk­siyon ng mga pasilidad sa Maharlika Highway sa Barangay Bukal Sur; at Gen. Emilio Aguinaldo sa Cavite dahil sa pagpapalit ng mga poste, line reconducto­ring works at instalasyo­n ng mga karagdagan­g lightning protection devices sa Barangay Kabulusan.

Sa Marso 13 at 14 naman ay makakarana­s ng pansamanta­lang pagkawala ng suplay ng kuryente ang Imus City, Cavite dahil sa pagpapalit ng mga pasilidad at line reconducto­ring works sa Gen. Emilio Aguinaldo Highway sa Barangay Palico II, habang Marso 14 naman nakatakda ang maintenanc­e works sa Calamba City, Laguna na may nakatakdan­g line reconducto­ring works sa loob ng Carmelray Industrial Park 1 (CIP 1), Barangay Canlubang,

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines