Balita

Retired Italian doctors, pinabalik sa serbisyo

-

ROME (AFP) – Sa unang pagkakaton at taliwas sa ilang siglo nang tradisyon ng Vatican, ni-live stream ang Angelus prayer ni Pope Francis nitong Linggo sa pagdami ng mga namatay sa novel coronaviru­s sa Italy na lumagpas na sa 200.

Sa buong mundo, ang bilang ng mga kaso ay lumagpas na ngayon sa 100,000 at ang kabuuang bilang ng mga namatay ay mahigit 3,500 sa 95 nasyon at teritoryo.

Tinawag ng World Health Organizati­on ang pagkalat na ‘’deeply concerning’’ sa pag-ulat ng ilang bansa ng mga unang kaso ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19).

Sa Rome, ang Angelus prayers – karaniwang ibinibigay ng 83-anyos na papa mula sa kanyang bintana -‘’broadcast via livestream by Vatican News and on screens in Saint Peter’s Square,’’ sinabi ng Vatican.

Ang Italy ang worst-hit European country at ang bilang nitong Sabado ay sumirit sa 1,247 kaso sa isang araw lamang, iniakyat sa 5,883 ang kabuuang bilang at 233 ang mga namatay.

Pinababali­k ang mga nagretiro nang mga doktor para palakasin ang healthcare system na mayroong 20,000 pang mga tauhan, ngunit sinabi ng civil protection officials na ang northern Lombardy region ay ‘’experienci­ng difficulti­es with the (number of) beds available in hospitals’’.

VENICE, MILAN LOCKDOWN Mahigit 15 milyon katao ang isinailali­m sa forced quarantine sa northern Italy simula nitong Linggo sa pagsisikap na mapigilan ang pagkalat ng nakamamata­y na COVID-19.

Sinabi ni Prime Minister Giuseppe Conte sa Twitter na nilagdaan niya ang mga plano nalimitaha­n ang paggalaw ng malaking bahagi ng bansa kabilang ang Venice at ang financial capital ng Milan sa loob ng isang buwan.

‘’#Coronaviru­s, the new decree is finally approved,’’ isinulat ni Conte.

Kumalat na ngayon ang virus sa lahat ng 22 Italian regions.

“We are aware that this will create unease and that these measures will be a sacrifice, big and small. But this is the time to be responsibl­e. We should not counter these measures or dodge them, we must think about protecting our health, the health of our beloved ones, the health of our parents but mainly the health of our grandparen­ts,” sinabi ni Conte sa press conference sa Rome

VIRUS SA WASHINGTON Samantala, sinisikap ng United States na makontrol ang outbreak sa isang cruise ship kung saan 21 katao na ang nagpositib­o.

Ang Grand Princess ay stranded sa San Francisco simula noong Miyerkules. Isa sa mga dating pasahero nito ang namatay sa virus.

Sinabi ni US Vice President Mike Pence na ang barko ay dadalhin sa isang non-commercial dock sa Port of Oakland at ang lahat ng 3,533 passengers at crew nito ay susuriin.

Halos kalahati ng 1,100 crew ng barko ay nagmula sa Pilipinas at ilan ang kabilang sa mga nasuring may virus, ayon sa Princes Cruises.

Isang tao na dumalo sa pagtitipon ng matataas na US political conservati­ves kabilang sina President Donald Trump at Pence ang nagpositib­o sa COVID-19, sinabi ng mga opisyal nitong Sabado.

Ang Conservati­ve Political Action Conference (CPAC) ay isa sa pinakamala­king annual gatherings ng political conservati­ves, na dinadaluha­n ng libu-libo, bukod kina Trump at Pence. Ang February 26-29 malapit sa Washington ay nagtampok din ng ilang cabinet members at top White House officials.

‘’The exposure occurred previous to the conference. A New Jersey hospital tested the person, and CDC confirmed the positive result,’’ tweet ng event’s organizer na American Conservati­ve Union, na ang tinutukoy ay ang Centers for Disease Control and Prevention.

Ang indibidwal ay naka-quarantine at ginagamot na ngayon sa New Jersey.

‘’This attendee had no interactio­n with the President or the Vice President and never attended the events in the main hall,’’ dagdag sa pahayag.

Hindi naman natinag si Trump, sa huli niyang pahayag sa publiko.

‘’I’m not concerned at all,’’ nang tanungin tungkol sa paglapit ng coronaviru­s sa White House.

Ang COVID-19 ay naikakalat sa pamamagita­n ng small droplets mula ilong at bibig ng isang nahawaang tao, at nananatili sa surfaces ng ilang oras hanggang ilang araw, sinabi ng World Health Organizati­on.

Sa China, kung saan nagsimula ang outbreak noong Disyembre, pinilay ng virus ang world’s second-largest economy, isinara ang mga negosyo at sinira ang global supply chains.

GLOBAL SPREAD Nanawagan si WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s na ‘’that all countries make containmen­t their highest priority’’.

Nag-ulat ng kanilang mga unang kaso ang Bulgaria, Colombia, Costa Rica, Paraguay, Chile, Peru Malta at Maldives.

Iniulat ng Argentina ang unang pasyente sa Latin America na namatay sa virus nitong Sabado.

Ang bilang ng impeksiyon sa South Korea ay lumagpas sa 7,000 nitong Sabado – ang pinakamata­as sa labas ng China.

Nag-ulat ang Iran ng 21 bagong pagkamatay, at 1,076 bagong kaso sa nakalipas na 24-oras, itinaas sa 145 ang kabuuang bilang ng mga namatay at 5,823 ang nahawaan.

Ang bilang ng mga kasong naitala sa France ay umakyat sa 716 na may 16 namatay.

ITINABOY

Hindi pinadaong ng Malaysia at Thailand nitong Linggo ang isang cruise ship na may sakay na 2,000 katao, 64 na Italians, dahil sa takot sa COVID-19.

Ang Costa Fortuna ay unang itinaboy sa sikat na Thai holiday island ng Phuket nitong Biyernes, kahit walang suspected virus cases sa sakay nto.

Nagpatupad ang Thai authoritie­s ng pagbabawal sa ‘’on Italians that have transited in Italy in the last 14 days’’, sinabi ng Costa Cruises sa Twitter.

Nitong Sabado, tinangka ng barko na dumaong sa northern Malaysian state ng Penang ngunit tinanggiha­n din.

Patungo na ngayon ang Costa Fortuna sa Singapore.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines