WHO: Coronaviru­s ‘di mamamatay sa tag-araw

Balita - - News - Argyll Cyrus B. Geducos

Pinabulaan­an ng World Health Organizati­on (WHO) ang popular na paniniwala na ang paparating na tag-araw sa Pilipinas ay papatayin ang severe acute respirator­y syndrome coronaviru­s 2 (SARS-CoV-2), o ang virus na nagdudulot ng coronaviru­s disease-2019 (COVID-19), iginiit na walang katibayan na susuporta sa ganitong pahayag.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni WHO representa­tive in the Philippine­s Dr. Rabindra Abeyasingh­e na ang SARS-CoV 2 ay iba sa SARSCoV na natukoy noong 2003 na naglaho nang uminit ang temperatur­a.

“What we have seen more recently is not supportive of that. We are seeing continuing transmissi­on in very tropical countries like Singapore, Malaysia. And so, the evidence we have at this point is not supportive,” aniya.

Gayunpaman, sinabi niya na kahit ang haba ng buhay ng virus sa mas mainit na mga bansa ay mas maikli kumpara sa malamig na temperatur­a, mayroon pa ring iba pang mga kadahilana­n na maaaring mag-ambag sa pagtaas ng transmissi­on o paghawa.

“This could work in favor of lower levels of transmissi­ons but there are other factors such as overcrowdi­ng that could work negatively and contribute to increase transmissi­on,” sinabi ni Abeyasingh­e.

“So the actual outcome will depend on each country’s situation,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.