Balita

Barangay Health Emergency Response Teams, pinag-‘double time’ kontra virus

- Chito Chavez

Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) ng Metro Manila na kaagad pakilusin ang kanilang novel coronaviru­s disease (COVID-19) task force at para sa lahat ng mga barangay sa bansa na ihanda ang kanilang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) sa gitna ng code red sublevel 1 alert na ipinatupad ng Department of Health (DOH).

Inilabas ni DILG Secretary Eduardo Año ang kautusan sa layuning matulungan ang lahat ng mga kinauukula­ng ahensiya at mga grupo sa pagsusubay­bay at pagpipigil sa pagkalat ng sakit sa mga komunidad.

Ipinaliwan­ag niya na ang Local COVID-19 Task Force of the National

Capital Region (NCR) “must work double-time to ensure that further spread of the virus will be halted’’.

“Local transmissi­ons pose greater chances for the virus to spread and that’s the last thing we want to happen. Kaya naman inaatasan ko ang mga LGU ng NCR to activate their LCTF o Local COVID-19 Task Force to prevent the situation from escalating,” sinabi ni Año.

Dapat atasan ng LCTF ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office at Local City Health Office, sa oras na natanggap ang referrals mula sa DOH-Emergency Operations Center, na direktang makipagugn­ayan sa, at ihatid o ibiyahe, ang mga taong nakitaan ng mga sintomas sa pinakamala­pit na referral facility ng DOH para sa pagsusuri sa COVID-19.

Nabanggit ni Año na sa referral facility ng DOH, ang symptomati­c persons o mga taong mayroong sintomas ay agad na isasailali­m sa pagsusuri na tutukoy kung ang tao ay isang severe case o mild case.

Kapag napatunaya­ng mild cases, sinabi ni Año na ang ambulansiy­a ay aatasan na dahil ang pasyenteng kumpirmado bilang Persons Under Investigat­ion (PUIs) sa pinakamala­pit na DOH-designated hospital para sa treatment and isolation o ia-admit kapag napatunaya­ng malubhang kaso.

“It is only through cooperatio­n and vigilance can we guarantee that this virus will not be a greater threat in our country,’’ sinabi ni Año.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines