R800,000 ‘shabu’ nasabat sa 3 tulak

Balita - - News - Bella Gamotea

Nasabat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Southern Police District (SPD) ang tinatayang 115 gramo ng pinaniniwa­laang shabu na nagkakahal­aga ng P782,000 sa tatlong umano’y big-time drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni NCRPO Regional Director, Major General Debold Sinas, ang mga nadakip na suspek na sina Samra Emat Mang, nasa hustong gulang, may asawa, residente ng Maharlika Road, Barangay Maharlika, Taguig City; Hari Abusama Pangalao, 30, tricycle driver, at Karigua Gasi Dimalilay, 59, kapwa nakatira sa Road 17, Maguindana­o St., Bgy. New Lower, Bicutan, ng lungsod.

Sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Regional Drug Enforcemen­t Unit (RDEU) ng NCRPO, District Intelligen­ce Division (DID) at District Drug Enforcemen­t Unit (DDEU) ng SPD sa pangunguna nina Maj. Lymel Pasquin, Maj. Henrix Bancoleta, at Maj. Marcial Paganas, laban sa mga suspek sa Road 17, Maguindana­o St., Bgy. New Lower, Bicutan, Taguig City, dakong 10:30 ng gabi.

Nasamsam sa tatlong suspek ang dalawang malaking pakete, isang medium plastic sachet, at anim na selyadong pakete ng hinihinala­ng shabu; P500 bill na may replica/ boodle money na ginamit bilang buy-bust money; tatlong cellphone, pink pouch, at iba’t ibang identifica­tion cards (IDs).

Patuloy na iniimbesti­gahan ng awtoridad ang mga suspek, na nahaharap sa kasong kasong Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002, sa Taguig Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.