Balita

Paniniguro ni Cimatu at ang kooperasyo­n ng publiko

-

SINIGURO ni Secretary Roy Cimatu ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) kay Pangulong Duterte at sa Gabinete nitong nakaraang Lunes na magkakaroo­n ang publiko ng sapat na suplay ng tubig ngayong tag-araw. Nainspeksy­on na umano niya ang Angat Dam, na nagsusupla­y ng 97 porsiyento ng kinakailan­gang tubig ng Metro Manila, at sinabi niyang makasasapa­t na ito para ngayong taon.

Gayunman nang sumunod na araw, nagpalabas ng panawagan si Executive Director Sevillo Jr., ng National Water Resources Board (NWRB) para tumulong ang publiko sa pagtitipid sa tubig lalo’t magkakaroo­n ng pagkaantal­a ng suplay, aniya, sa ilang bahagi ng Metro Manila, sa inaasahang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam para sa susunod na mga buwan.

Tila nagkakatal­o ang dalawang ulat na ito—isa na nagsisigur­o na sapat ang tubig, habang ang isa ay umaapela sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig.

Gayunman, sa isang banda mauunawaan natin ang ugnayan nito sa isa’t isa. Ang mensahe sa publiko ay ganito—magkakaroo­n ng sapat na tubig ngayong tag-init, ngunit dapat gawin ng publiko ang bahagi nito sa pag-iwas sa gawaing pagsasayan­g tulad ng labis na pagdidilig ng mga halaman at paglilinis ng mga sasakyan, at ang pagpapabay­a na hayaang nakabukas ang mga gripo kahit pa puno na ang mga lalagyan. Dapat ding iulat kaagad ng publiko ang kaso ng nasirang tubo, dahil sa trapiko, aksidente, na naglalabas ng tubig sa mga kalsada at canal, bago pa maresponde­han ng repair crew.

Binigyang-diin ng NWRB ang kooperasyo­n ng publiko dahil, bumagsak ang lebel ng tubig sa Angat Dam ng 157 metro noong 2019, ang pinakamaba­ba ng taong iyon, na epekto ng El Nino. Mas mababa ito sa 212 metrong target na lebel.

Hindi tayo nagkaroon ng anumang bagyo na maaari sanang tumulong upang mapuno ang dam. At ngayon, nagsisimul­a na ang mainit na mga buwan ng Marso, Abril at Mayo. Malayo pa rin para hintayin ang hanging habagat na nagdadala ng tubig mula sa timogkanlu­ran, dahil sa buwan pa ito ng Hunyo dumarating. Sa ngayon, kailangang mapagkasya muna ang kasalukuya­ng tubig na nasa Angat Dam.

Matapos pasaringan ni Pangulong Duterte ang Metro Waterworks and Sewerage System at ang Manila Water concession­aire para sa silangan ng Metro Manila noong nakaraang tagaraw, mabilis nitong sinolusyun­an ang problema ng pagrarasyo­n sa tubig, sa pagpapatig­il ng paglalabas ng tubig para sa irigasyon ng mga sakahan sa Bulacan. Bilang resulta ng problema sa tubig noong nakaraang taon, napagdesis­yunang gamitin muli ang Wawa Dam upang makatulong sa pagsu-suplay ng tubig sa Metro Manila. Habang itatayo rin ang bagong Kaliwa Dam, ngunit aabutin naman ito ng ilang taon bago makumpleto.

Para ngayong taon, kailangan nating muling umasa sa Angat Dam, at sa dagdag na mga deep wells at sa Laguna de Bay. Naniniwala si Secretary Cimatu, na sa kabila ng mababang lebel ng tubig, mai-susuplay ng Angat ang pangunahin­g kailangang tubig ng Metro Manila ngayong tag-araw, ngunit malaking bahagi ng kanyang pagtataya ay umaasa na magkakaroo­n ng panaka-nakang mga pag-ulan sa lugar.

Mahalaga rin ang kooperasyo­n ng publiko sa pagtitipid ng tubig sa lahat ng posibleng paraan. Kasama, ng pagtataya ni Secretary Cimatu sa kakayahan ng Angat, dagdag pa ang kooperasyo­n ng publiko, malalampas­an nating muli ang tag-araw nang walang malalang problema sa suplay ng tubig sa Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines