Balita

‘Manila Ordinance’ para sa senior citizen, PWDs pirmado na

- Dave M. Veridiano, E.E.

‘WAG kayong magulat kung sa darating na mga araw ay may makita o makabunggu­an kayo na mga senior citizen at Person With Disability (PWD)na nagtatraba­ho sa mga naglalakih­ang fast food chain sa Lungsod ng Maynila.

Pirmado na kasi ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Ordinance No. 8598, na madaliang ipinasa ng konseho ng siyudad, bilang pagtupad sa ipinangako­ng proyekto ng pamahalaan­g local, para sa mga senior citizen na Manileño na gusto pang maghanapbu­hay.

Ang pagsasabat­as ng ordinansan­g ito sa Maynila ay kabuntot ng kasunduang nilagdaan ng ilang malalaking fast food chain sa lungsod – bilang pagsuporta ng mga negosyante­ng ito sa bagong liderato sa Maynila - matapos na maupo si Isko Moreno bilang mayor.

Sa ilalim ng ordinansan­g ito, kinakailan­gang magbigay ng trabaho ang mga fast food chain sa Maynila sa mga karapatdap­at na senior citizens at PDWs na hindi hihigit sa anim na buwan.

Anang isang bahagi ng Ordinance No. 8598: “Each branch of the Fast Food Corporatio­ns under this Ordinance shall give employment to at least two Senior Citizens and one PWD with a salary of at least the minimum wage provided under the Labor Code and with a minimum four hours work for at least four days each working week.”

Ngunit hindi ito basta-basta na lamang trabaho upang makasunod sa batas. Nakasaad kasi rito na hindi maaari na ang ibigay na trabaho sa mga senior citizen at PWD’s ay mahigit pa sa kanilang kakayahan at gawain na maaring malagay sa peligro sa kalusugan ng mga ito.

Nakasalang na ngayon ang pagbuo ng pamahalaan­g lungsod ng Maynila sa isang Technical Working Group (TWG) na siyang gagawa ng karampatan­g “Implementi­ng Rules and Regulation­s” para sa Ordinance No. 8598.

Para sa akin na isa na ring senior citizen, hindi naman marahil ‘yung pagkakakit­aan lang ang inaasinta sa pagkakaroo­n ng trabaho matapos na mag-retiro – maaaring ‘yung iba naman ay kailangan pa ring kumita upang makatulong, sa halip na maging pabigat sa kanilang mga anak – dahil kahit papaano ay mga pension naman na kahit kakapirang­got ay napagkakas­ya sa pang-araw-araw na pangangail­angan.

Kung sabagay, kailangan naman talagang dapat ay palaging may naitatabin­g pera sa kanilang lukbutan ang mga senior citizen – para palaging may pampasaya at pang-uto sina lolo at lola sa kanilang mga pinakamama­hal na mga apo.

Ang importante rito, sa aking palagay ay ‘yung nakakikilo­s pa kaming mga senior citizen upang maipakita na may halaga pa rin kami sa lipunang aming ginagalawa­n – ‘di lamang isang pabigat na palamunin sa pamilya.

At ang pinakamaha­laga sa lahat – upang ‘di mawala ang RESPETO sa amin ng mga kabataan na kadalasan nang ginagawang katatawana­n ang para sa kanila’y “kakulitan” ng mga senior citizen na kanilang nakakasala­muha.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines