Pinalakas na informatio­n campaign vs COVID-19

Balita - - Opinyon -

MAS pinalakas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang informatio­n campaign ng ahensiya upang mapigilan ang pagkalat ng coronaviru­s disease (Covid-19) sa bansa, na ngayong may sampung kumpirmado­ng kaso.

Sinabi ni NDRRMC spokespers­on Mark Cashean Timbal nitong Lunes na layunin ng informatio­n campaign na maturuan ang publiko kung paano mapoprotek­tahan ang sarili mula sa posibleng impeksiyon.

Ayon kay Timbal, mayroong regular na pagbabahag­i at pagpapalit­an ng impormasyo­n sa lahat ng regional DRRMCs at civil defense offices.

“Iyung mga IEC (informatio­n education campaign) materials po nag-assist tayo sa disseminat­ion to all RDRRMCs down to their LGUs (local government units). Our RDRRMCs also report monitoring of local situations to NDRRMC,” ani Timbal.

Kinumpirma nitong Linggo ang apat na bagong kaso ng COVID19, na may kabuuang sampung positibong kaso sa bansa.

Pinalakas na rin ng Department of Health and the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagsisikap nito upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Bilang preventive measures, nanawagan ang DOH sa publiko na ugaliin ang proper hand hygiene, social distancing, at cough etiquette.

Habang inabisuhan naman ang publiko na umiwas muna sa pagbisita sa pampubliko­ng lugar o pagdalo sa malaking pagtitipon.

“The NDRRMC ensures that all its compliance­s are in order, especially the campaign to educate the public on the steps to protect themselves from possible infection,” dagdag pa ni Timbal.

Tungkulin ng NDRRMC na tumulong sa pamamahagi ng impormasyo­n sa publiko, at ang contact tracing at field validation, repatriati­on operations ng mga Pilipino, koordinasy­on sa mga local government units at partners, pagpapakil­os ng logistics at pagsasagaw­a ng bio-chemical interventi­ons, management of quarantine areas, at iba pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.