Balita

Mylene Dizon nawala sa sarili dahil kay Ate Guy

- Ni NORA V. CALDERON

EXCITED makasama sa isang matinding eksena ni Mylene Dizon ang superstar na si Nora Aunor, sa afternoon prime drama series nilang Bilangin ang Bituin sa Langit.

“Gusto ko kasing maranasan iyong sinasabi nilang kapag tiningnan ka ni Ate Guy, parang mawawala ka sa sarili mo,” seryosong kuwento ni Mylene. “Hindi ko pinakawala­n ang chance na makasama ko si Ate Guy nang i-offer sa akin ang bagong project na ito ng GMA Network, after ng epic serye namin noon na Sayaha. First time ko siyang makakatrab­aho at ikatutuwa rin ito ng nanay ko dahil fan na fan siya ni Ate Guy. Nakakatuwa nga na lumaki akong si Ate Guy na talaga ang idolo ng nanay ko, lagi siyang may Kislap magazine noon dahil lagi siyang naka-feature doon.”

Ano ang naranasan niya the first time na magkasama sila ni Ate Guy sa eksena?

“Totoo pala, sa unang eksena namin, hindi ako nakasagot sa dialogue niya, nakatingin lamang ako sa kanya. Totoo pala iyong may baong ilaw ang mata niya at kapag nag-deliver na siya ng lines niya, kailangang ready ka dahil baka mawala ka. Napalagay lang ang loob ko nang sa later shoots namin, sa ubasan sa La Union, na setting namin sa simula ng story, kinukuwent­uhan nila ako ni Ricky Davao ng mga experience­s nila in the past ng mga pinagsamah­an nilang proyekto.”

Sa serye na remake ng pelikula of the same title ng Regal Films, ginampanan ni Nora ang role nina Magnolia at Maggie, pero dito, si Magnolia ay si Mylene at si Maggie ay gagampanan naman ng young actress na si Kyline Alcantara. Gagampanan ni Nora ang role ni Cedes, nanay ni Magnolia na dating ginampanan ni Perla Bautista.

“Magiging matapang si Magnolia or Nolie dahil nahiwalay siya kay Cedes at itinakwil siya ni Anselmo (Zoren Legaspi) na tatay ni Maggie. Hindi siya papayag na tapak-tapakan lamang siya ng mga mayayaman na tulad nina Martina (Isabel Rivas) at Margaux (Ina Feleo). Natagpuan naman niya ang tutulong sa kanya, si Arthur (Gabby Eigenmann) at tutuparin ko ang sinabi ko na babangon ako at sila naman ang tatapakan ko. Sana po ay huwag kayong bibitiw sa story namin dahil marami talagang mangyayari kapag lumabas na muli si Cedes at magkikita na kami. Maraming salamat sa inyong pagsubayba­y.”

Ang “Bilangin ang Bituin sa Langit” ay napapanood araw-araw, pagkatapos ng Prima Donnas sa GMA 7.

 ??  ?? Mylene, Nora at Kyline
Mylene, Nora at Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines