Balita

Greg Kinnear: ‘Tackling sexism in Hollywood will take time’

-

UMAASA si Greg Kinnear na magiging less sexist na ang entertainm­ent industry sa panahong malaki na ang kanyang mga anak.

Gumaganap ang As Good As It Gets star bilang Bob Hope sa pelikulang Misbehavio­ur, bagong movie about tumultuous 1970 Miss World contest, kung saan tampok ang feminist protests at pagkorona sa unang black winner.

Matapos ang kalahating siglo, si Greg, na may tatlong anak na babae, aged between 10 and 16, ay naniniwala­ng malaki na ang ibinuti ng industriya para sa mga kababaihan, bagamat malayo pa ang tatahakin nito.

“It’s like turning an aircraft carrier around,” pagbabahag­i nito sa The Guardian. “It’s very slow. And you do feel that the inherent maleness of showbusine­ss for so many years is reflected in the vast majority of stories that get told.”

Umaasa din ang aktor na ang kanyang bagong pelikula, na pinagbibid­ahan nina Keira Knightley, Gugu Mbatha-Raw, at Jessie Buckley, ay magbibigay ng kahanga-hangang kuwento tungkol sa kababaihan sa paraang mas maabot nito ang mas malawak na audience.

“Misbehavio­ur, I look at as a really entertaini­ng story but it also has a strong female voice that I love and it isn’t told like a two-hour civics lesson,” komento ng 56year-oldna aktor. “It’s just honest and powerful and it makes a dad of three daughters feel good.”

Isa naman sa bahaging pinaniniwa­laan ni Greg na nagbago sa gitna ng Time’s Up at #MeToo movements ay ang welfare on set – lalo’t binibigyan na ngayon ng atensyon ng mga industry leader ang issue ng harassment kumpara noong nagsisimul­a pa lamang siya.

“The other day someone said: ‘Oh yeah, human resources are on set today.’ You know, a person who’s there to make sure people are feeling safe and following the rules and aren’t being compromise­d by someone who’s doing s**t they shouldn’t be doing,’” paliwanag nito. “And I thought: ‘Wow, where were human resources back in the 1990s?’”

Ngayong Marso 13 na ang showing ng Misbehavio­ur.

 ??  ?? Greg
Greg

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines