Post Malone tumangging gumagamit ng droga

Balita - - Showbiz - Post

PINABULAAN­AN ni Post Malone ang mga balita, na nalululong umano siya ngayon sa droga, matapos kumalat ang kanyang video kung saan natumba at nagpagulon­g-gulong sa sahig ang rapper sa isa sa kanyang mga live shows.

Sa clip, makikita ang 24-year-old rapper habang nagpe-performs ng kanyang hit song I Fall Apart, at tila nagbibigay ng isang emotional performanc­e, kung saan nawalan na ito ng balanse at bumagsak sa sahig.

Sa paghihinal­a ng mga fans sa social media na nasa impluwesiy­a ng droga si Post Malone sa kasagsagan ng show, nagpasya ang rapper na sagutin ang mga akusasyon sa isang performanc­e sa Memphis, Tennessee noong Friday night, kung saan na: “I’m not on drugs and I feel the best I’ve ever f**king felt in my life.”

Nagpaliwan­ag din ang Circles star na ang kanyang pagbagsak ay bahagi ng tangkang maging mas dramatic at mas masaya ang kanyang show:”That’s why I’ve been busting my a*s for these shows and can f**king fall on the floor and do all that fun s**t.”

Pinasalama­tan naman ni Post, real name Austin Richard Post, ang kanyang fans na nag-alala, ngunit sinabi na: “But for anybody that’s concerned here, I appreciate the love and the support, but I feel f**king fantastic and I’m not doing drugs.”

Tumugon naman si Smitty, ang DJ ni Post, ang mga espekulasy­on sa kanyang Instagram Stories, at sinabing “Posty is fine. This is his stage presence. Had no doubts.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.