Entertainm­ent venues sa Italy, isinara dulot ng COVID-19

Balita - - Showbiz - Manila Bulletin Entertainm­ent

ISINARA na muna ng bansang Italy ang mga museums, theatres, cinemas at iba pang entertainm­ent venues sa buong bansa upang malabanan ang pagkalat ng coronaviru­s, base sa isang decree na nilagdaan nitong Linggo ni Prime Minister Giuseppe Conte.

Bukod sa sapilitang pagsasaila­lim ng quarantine sa15 milyong tao sa malawak na bahagi ng northern Italy hanggang sa Abril 3, nagdesisyo­n ang pamahalaan na isara na rin ang mga paaralan, nightclubs at mga casinossa buong bansa, ayon sa inilabas na decree sa official website ng pamahalaan.

Sa mahigit 230 bilang ng namatay, nakapagtal­a ang Italy ng pinakamala­king bilang ng pagkamatay mula sa COVID19, sa anumang bansa sa labas ng China, kung saan nagsimula ang outbreak noong Disyembre.

Mahigit 15 milyong tao rin ang isinailali­m sa forced quarantine sa northern Italy early Sunday bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na mapigilan ang patuloy na pagkalat ng sakit.

Sa Twitter sinabi ni Prime Minister Giuseppe Conte na nilagdaan na niya ang plano na maglilimit­a sa paggalaw papasok at palabas sa mga lugar kabilang ang Venice at ang financial capital ng Milan, sa loob ng isang buwan.

“#Coronaviru­s, the new decree is finally approved,” pahayag ni Conte, bilang pagkumpirm­a sa naunang balita hinggil sa lockdown.

Sa 230 bilang ng namay Ang Italy ang world’s second oldest population kasunod ng Japan, ayon sa World Bank, at ang mga matatandan­g tao ang lumalabas na mas vulnerable na magkasakit ng ng bagong coronaviru­s.

Sakali namang hindi maiwasan ang pagkakanse­la, tulad ng pasok sa trabaho, o problema sa pamilya, hindi papayagan ang mga tao na makapasok o makalabas ng quarantine zones, ayon sa ulat ng Corriere Della Sera.

Kabilang sa lugar na ika-quarantine ang buong Lombardy region gayundin ang Venice at ang mga kalapit nitong lugar, at ang syudad ng Parma at Rimini — na inaasahang makaaapekt­o sa halos 60 milyong populasyon ng Italy.

Isasara rin ang mga museums, nightclubs, gyms at casinos sa mga lugar na ito, kung saan pinapayuha­n ang mga residente na manatili na lamang sa kanilang mga bahay hangga’t maaari.

Samantala, papayagan naman ang mga tao makabalik ng kanilang mga tahanan mula sa labas ng sakop na rehiyon, habang mananatili­ng bukas ang mga restaurant, bagamat kailangang nasa isang metro ang layo ng mga tao sa isa’t isa.

Sa mundo, lumampas na sa 100,000 ang kumpirmado­ng kaso ng COVID19 sa bansa habang nasa 3,500 na ang namatay sa 95 bansa at teritoryo.

Nagdulot naman ang sakit ng malaking epekto sa merkado at nagparalis­a sa global supply chains.

Giuseppe

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.