‘Hotel de Luna,’ Lee Min Ho, BTS nanguna sa top hallyu survey

Balita - - Showbiz - Ni Jonathan Hicap

ANG IU-led drama na Hotel de Luna, Lee Min Ho, BTS at ang Oscar best film na Parasite ang nanguna sa botohan bilang the top choices sa isang hallyu or Korean Wave survey.

Nasa kabuuang 8,000 tao na nasa edad 15 hanggang 59 ang sumalang sa survey na isinagawa sa 17 bansa mula Oct.4 hanggang 20, 2019 ng Korean Foundation for Internatio­nal Cultural Exchange (KOFICE) at ng Ministry of Culture, Sports and Tourism (MCST), na inilabas ang resulta kamakailan.

Sa Korean dramas, pinili ng mga respondent­s ang Hotel de Luna, na umere mula Hulyo hanggang Setyembre last year, bilang No. 1 na may 8.2 percent na sinusundan ng Descendant­s of the Sun, 3 percent; Jewel in the Palace, 2.3 percent, Kingdom, 2.1 percent; Goblin, 2 percent; at Her Private Life, 2 percent.

Pinili naman ng mga respondent­s ang Parasite bilang kanilang No. 1 favorite Korean movie na may 12.4 percent habang pangalawa ang Train to Busan na may 7.9 percent, kasunod ang Extreme Job, 3.1 percent; Along with the Gods, 2 percent; at Exit, 1.5 percent.

BTS naman ang napili bilang top favorite Korean singer, na may 15.2 percent, pangalawa ang BLACKPINK, 6.5 percent; Psy, 5.7 percent; TWICE, 2.8 percent; at Big Bang, 2.5 percent. Pasok din sa listahan ng survey ang Girls’ Generation, G-Dragon, EXO, IU at Super Junior. Noong 2018, BTS din ang nanguna sa survey na may 10.3 percent kasunod si Psy, BLACKPINK, Big Bang at EXO.

Sa kategorya naman ng Korean actors at actresses, No.1 si Lee Min Ho na may 7.6 percent, na siya ring nanguna sa 2018 survey. Pangalawa naman sa survey si Actress Song Hye-kyo, 3.4 percent; Song Joong-ki, 1.9 percent; Gong Yoo,

1.8 percent; Suzy, 1.7 percent; at Lee Jong-suk, 1.7 percent. Pasok din sa listahan ng survey si IU, Jun Ji-hyun, Park Shin-hye at Ji Chang-wook.

Base sa resulta ng survery, K-pop ang No. 1 image associated sa South Korea na may 18.5 percent, kasunod ng Korean food, 12.2 percent; Korean drama, 7.8 percent; IT industry, 7.3 percent; at hallyu stars, 5.8 percent.

Kabilang naman sa mga bansang ginamit sa survey ang China, Japan, Taiwan, Thailand, Indonesia, Malaysia, India, Vietnam, Australia, US, Brazil, France, UK, Russia, Turkey, United Arab Emirates at South Africa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.