Balita

Nazareth, liyamado sa FEU Baby Tamaraws

-

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 1:00 n.h -- UST vs Adamson (girls) 3:00 n.h. -- NSNU vs FEU (boys)

MAKAMIT ang target na back-to-back championsh­ips ang tatangkain ng defending champion Nazareth School of National University sa muling pagtutuos nila ng Far Eastern University­Diliman ngayong hapon sa Game 2 ng kanilang finals series para sa UAAP Season 82 Highschool Boy’s Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Bullpups upang mapanatili ang hawak nilang korona at kumpletuhi­n ang season sweep kasunod ng 79-61 na paggapi sa Baby Tamaraws noong Game 1.

Determinad­o ang mga manlalaro ng Bullpups na maduplika ang naitalang season sweep ng kanilang koponan noong 2013 partikular si Terrence Fortea na syang namuno sa kanilang panalo sa unang laro ng kampeonato.

Gayunman, ayaw ni coach Goldwyn Monteverde na ituon ng mga manlalaro nya ang kanilang focus sa sweep kundi sa dapat nilang gawin at mai - execute lahat ng pinaghanda­an nila sa laro.

Bukod kay Fortea, aasahan din ni Monteverde sina Gerry Abadiano, Kevin Quiambao at Carl Tamayo.

Sa kabilang dako, tatlong beses ng tinalo ng Bullpups ngayong season, magkukumah­og ang tropa ni coach Allan Albano upang makabawi at humirit ng Game 3.

Sasandigan nya upang matupad ang hangad na ito ng Baby Tams sina Penny Estacio, Jorrick Bautista at Cholo Añonuevo.

Mauuna rito, tatangkain naman ng University of the Santo Tomas na makumpleto ang upset kontra sa dating unbeaten Adamson matapos nilang silatin ang huli noong Game 1 upang makamit ang unang highschool girls crown sa muli nilang pagtatapat ganap na 1:00 ngayong hapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines