Balita

La Salle at Marinero, asam ang ikalawang dikit na panalo sa D-League

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Paco Arena) 1:00 n.h. -- Diliman College vs Builders Warehouse-UST 3:00 n.h. -- ADG Dong-Mapua vs Marinerong Pilipino 5:00 n.h. -- EcoOil-La Salle vs Karate Kid-CEU

MATAPOS ang kani-kanilang impresibon­g panalo sa una nilang laro, magtatangk­ang magtala ng ikalawang dikit nilang panalo ang tatlong koponang EcoOil-La Salle, Marinerong Pilipino at Builders Warehouse-University of Santo Tomas sa magkakahiw­alay na laban ngayong hapon sa 2020 PBA D League Aspirants Cup.

Unang sasabak ang Builders Warehouse-UST kontra sa ngayon pa lamang sasalang na Diliman College sa pambungad na laban ganap na 1:00 ng hapon.

Susundan sila ng Marinerong Pilipino na haharapin naman ang ADG Dong-Mapua sa ikalawang laban ganap na 3:00 ng hapon bago ang bakbakan ng EcoOil La Salle at ng

Karate Kid-Centro Escolar University sa tampok na laban ganap na 5:00 ng hapon.

Magtatangk­ang makapagbuw­ena-mano ng panalo ang Diliman College at ang Mapua habang hangad namang makabawi ng CEU sa natamong kabiguan sa una nilang laro.

Kasunod ng kanilang 115-62 na pagdurog sa Technologi­cal Institute of the Philippine­s, paborito muli ang Tigers na mamayani kontra Engineers.

Aabangan sa nasabing laban ang mga naging rebelasyon sa panig ng Tigers sa una nilang laban na sina Deo Cuajao at Jun Asuncion na nagpaulan ng tres upang tumapos na may 24 at 20 puntos ayon sa pagkakasun­od.

Gaya ng UST, paborito rin ang Skippers kontra sa bagitong Mapua kasunod ng kanilang naunang 93-57 panalo kontra CEU.

Sa huling laro, tatangkain naman ng La Salle na masundan ang 102-90 unang panalo nila kontra Wang’sLetran.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines