Ramirez, PSA ‘Executive of the Year’
KINILALA bilang Executive of the Year si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez sa ginanap na SMCPSA Annual Awards Night Biyernes ng gabi sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Ang 69-anyos na si Ramirez ay pinarangalan ng mga grupo ng media na nagkokober ng sports sa kanyang paggabay sa mga Pilipinong Atleta na sumabak sa 2019 Southeast Asian Games at nakakuha ng overall championship.
Ang Philippine Sports Commission (PSC) chief din na si Ramirez ang nagbigay ng kauna-unahang overall championship sa bansa, noong 2005 SEA Games, kung saan siya rin ang namuno bilang Chef de Mission ng Team Philippines.
Humakot ng kabuuang 149 gold, 117 silver, at 121 bronze medals ang Team Pgilippines sa nakaraang biennial meet, kung kaya naman sila din ang tinanghal na Athletes of the Year sa nasabing Gabi ng Parangal.
Pinarangalan din sa nasabing event ang mga premyadong sports personalities na nagbigay ng malaking ambag sa Philippine sports gaya nina Manny V. Pangilinan, Hans Sy, Ricky Va
Tinanggap naman ni Efren “Bata”Reyes ang Lifetime Achievement Award at siya ring naging guest speaker sa nasabing pagdiriwang.
Iginawad naman kay Carlos Edriel Yulo ang President’s Award, habang ang Boxing Association naman ang National Sports Association (NSA) of the Year.
Kabilang din sa mga pinarangalan ang mga pambatong atleta ng bansa na sina Hidilyn Diaz NG weightlifting, Ang pole vaulter na si Ej Obiena at at lady boxer na si Nesthy Petecio para sa Major Award gayundin si Jerwin Ancajas na IBF champion.
Tinanggap naman ni Sisi Rondinas Ms.Volleyball award habang Mr. Volleyball naman si Bryan Bagunas, Ms. Golf si Bianca Pagdanganan at Mr. Football naman si Stephen Schrock.
Bigay din ang mga awards na Coach of the Year Kay Patrick Aquino, Tony Siddayao Awards, MILO Junior Athletes Award, at mga citations partikular na sa mga gold medalists ng SEA Games.
Nagkaloob din ng posthumous award para sa mga sports personalities na yumao na.
“Thank you for making all of these possible and let’s continue to support the Philippine Sports,” pahayag naman ng presidents ng PSA na si Tito S. Talao na siya ring sports editor ng Manila Bulletin.