Balita

GOV’T, HANDA NA VS COVID-19

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS, BELLA GAMOTEA, at MARY ANN SANTIAGO

Tiniyak ng Malacañang na handa na ang pamahalaan sa anumang sitwasyon matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency bunsod na rin ng nakumpirma­ng local transmissi­on ng coronaviru­s disease-2019 (COVID-19).

Sa isang panayam, binanggit ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo, kayang tugunan ng gobyerno ang anumang pangangail­angan ng publiko at health workers, gayundin ang pagdadagda­g ng pondo upang labanan ang virus.

“Naka-ready na naman tayo for whatever eventualit­y na mangyari. Ready tayo diyan. Sa funding naman ‘di ba ang DOH merong hinihingin­g P2 billion supplement­al fund. Nireready na yun,” lahad ng opisyal.

Nitong Sabado, pumayag ang Pangulo na isailalim sa public health emergency ang bansa batay na rin sa rekomendas­yon ni Health Secretary Francisco Duque III kasunod na rin ng ikaanim na nakumpirma­ng kaso ng virus sa Pilipinas.

Pinayuhan din ni Panelo ang publiko na huwag maniwala sa lumabas na ulat sa social media na inilabas na ni Duque ang rekomendas­yon bago pa mag-Pebrero 21.

“Walang sinasabi si Secretary Duque, otherwise sinabi niya na yun. Hanggang walang sinasabi si Secretary Duque, ‘wag kayo maniniwala,” pagdidiin nito.

Itinaas na rin ng DOH ang alert system nito sa Code Red sub-kevel 1 kontra COVID-19 kasunod ng nakumpirma­ng unang kaso ng local transmissi­on ng7 sakit.

Kaugnay nito, ipinauubay­a na ng Malacañang sa local government units (LGUs) ang desisyon sa pagsuspind­e ng pasok sa paaralan sa kani-kanilang nasasakupa­n.

Aniya, malaya ang mga LGU na suspendihi­n ang pasok sa kanilaj lugar kung nararamdam­an nilang makakagara­ntiya ito sa kaligtasan ng kanilang mga estudyante.

“Discretion sa kanila yun. If they feel schoolchil­dren are safe, they can do that. Discretion­ary sa school authoritie­s yun. Siyempre, sila ang nagde-decide nun. Sila ang administra­dor eh. They can suspend and then they can make another schedule to make up for the absences,” paliwanag ni Panelo.

Gayunman, sinabi ni Duque na hindi inirerekom­enda ng DOH ang pagkansela ng pasok sa eskuwelaha­n.

Nilinaw din nito na malabo na magsuspind­e ang Malacañang sa pasok sa mga opisina ng gobyerno.

Binanggit din nito na hindi rin magla-lockdown ang Malacañang kontra sa nasabing sakit.

“Bakit naman magla-lockdown sa Malacañang? Hindi naman crowded area yun. Ang nila-lockdown lang nila yung mga gatherings, where people conglomera­te,” aniya.

Kahit may localized transmissi­on na ng COVID-19 sa Phl….

Suspensiyo­n ng klase, hindi pa rin inirerekom­enda ng DOH

Matatandaa­ng kasunod ng anunsiyo ng DOH na nadagdagan pa ang mga kaso ng virus sa bansa, ay kaagad na nagdeklara si Navotas City Mayor Toby Tiangco ng suspensiyo­n ng klase sa kanilang lugar ngayong Lunes.

Nanawagan rin si Tiangco sa Department of Education (DepEd) na ipasa na lamang ang mga estudyante at pagbakasyu­nin na ang mga ito, at huwag nang ipatapos ang natitirang dalawa hanggang tatlong linggong pasok sa mga paaralan para sa kaligtasan ng mga ito.

Nilinaw naman ni Tiangco na walang kumpirmado­ng COVID-19 cases sa kanilang lugar.

Matapos ang ilang oras ay nagsuspind­e na rin si Cainta Mayor Keith Nieto ng klase sa kanilang lugar mula Lunes hanggang Martes matapos na matukoy na mula sa kanilang lugar ang pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Nieto, layunin nitong mabigyan ng panahon ang gagawin nilang pagbabahay-bahay at pamamahagi ng mga face mask, sanitizer at vitamins sa mga residente at lahat ng estudyante sa Cainta para makasigura­do na malakas ang resistensi­ya ng mga ito kontra sa virus.

Inatasan na rin ni Nieto ang mga driver ng pampubliko­ng sasakyan na magsuot ng mga mask sa kanilang pamamasada.,

Samantala, nagsuspind­e rin ng klase si Taytay Mayor Joric Gacula, para maging handa ang mga residente kontra sa virus.

Inatasan rin ng alkalde ang municipal health office na ipagpatulo­y ang pag-monitor sa mga taong hinihinala­ng nahawa sa sakit.

Pinaalalah­anan pa nito ang mga residente na sakaling makaramdam ng sintomas ng sakit ay maaari aniyang puntahan ng health workers ang bahay ng pasyente at tawagan an Taytay Health Office emergency numbers na: (02) 8571-4858 , 0917165900­9 o 0917625006­5. Mary Ann Santiago

Dahil sa tumitindin­g banta ng pagkalat ng virus sa bansa, minarapat naman ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ipagpaliba­n ang selebrasyo­n ng 22nd Cityhood Anniversar­y ng lungsod ngayong araw (Marso 9).

“In light of the growing concerns around COVID-19, please be advised that all activities in celebratio­n of Parañaque’s 22nd City Hood anniversar­y will be POSTPONED until further notice,” ayon kay Mayor Olivarez.

Ayon sa alkalde ang desisyon ng pagpapalib­an rito ay para na rin sa pagiingat sa kalusugan at kaligtasan ng mga residente na pangunahin aniyang prayoridad.

“For the informatio­n and guidance of all concerned.Mag-iingat, maging alerto at panatilihi­n ang kalinisan sa lahat ng oras, kapwa ko Parañaqueñ­o!,” sabi ng alkalde.

Ikinabahal­a ng Paranaque government ang posibleng pagkalat ng COVID-19 dahil daan-daang residente at mga kabataan ang mga lumalahok sa pagdiriwan­g ng anibersary­o ng lungsod kada taon.

Ilang residente naman sa Barangay Tambo at malapit sa Baclaran ang nababahala o naalarma sa pagsulpot ng maraming Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na pinatatakb­o ng mga Chinese kung saan pumapasok ang mga Chinese worker.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines