Balita

Jennylyn, aminadong nahirapan din sa role

- Nora V. Calderon

MAY inamin din si Jennylyn Mercado ng hirap niya kapag nagti-taping sila ng Pinoy adaptation ng Korean drama series na Descendant­s of the Sun.

“Nang tanggapin ko po ang role ko to play Dr. Maxine dela Cruz, sa adaptation, pinanood ko na ang original version ng serye,” sabi ni Jennylyn. “Habang pinapanood ko parang ang dali lamang ng ginagawa nila, dahil mahuhusay silang artista, pero nang ginagawa ko na rito ang mga eksena, mahirap pala. Like kapag ang eksena, iyong may emergency case na dumating sa ospital, na kailangan ko siyang operahan, marami kaming involved sa eksena, dahil kasama ko ang staff na magaasist sa akin, mahirap pala iyong habang umaarte ka, kailangang iutos mo ang gagawin ng staff mo, iyong paggamit mo ng medical terms, kaya kailangan talaga memoryado ko ang script, dahil kung hindi mawawala ako. Pero thankful po ako sa bawat eksenang ganito, natsa-challenge ako. Kapag may ganoong eksena, talagang pinaghahan­daan ko dahil ayaw kong mapahiya sa mga kasama ko at ma-bash ako na mali ang ginawa ko. It’s good po na may totoong medical staff kaming kasama na nagsu-supervise sa amin kung ano ang dapat gawin.”

Kaya naman puring-puri ng mga netizens si Jennylyn at hindi raw nagkamali ang GMA na siya ang kunin to play the role dahil mahusay niyang nagagampan­an ang mga eksena niya bilang isang mahusay na surgeon, na akala mo ay totoo siyang doctora at ang ipinakikit­a niyang tapang lalo na kapag ang concerned ay si Lucas

(Dingdong Dantes). Isa ngang pinag-usapan at nagtrendin­g last Wednesday evening ay ang pag-rescue ni Lucas kay Maxine na nakabitin ang minanehong van sa bingit ng bangin at wala silang pwedeng gawin kundi sumamang mahulog ng van sa dagat para makaligtas. Happy rin ang mga netizens sa mga urong-sulong na eksena ni Dr. Maxine kay Capt. Lucas na hindi niya matanggap na magkaroon ng boyfriend na isang sundalo na any moment daw ay iiwanan siya. Ayaw daw niyang mabuhay sa takot.

Marami pang hinihintay ang mga televiewer­s na mga iconic scenes sa original Korean drama series at hindi raw naman sila nabibigo dahil maayos na naipapakit­a ni Direk Dominic Zapata ang mga eksenang iyon.

Ang “Descendant­s of the Sun” ay napapanood gabi-gabi sa bagong oras, pagkatapos ng 24 Oras.

 ??  ?? Jennylyn
Jennylyn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines