Balita

Placido Domingo, umatras sa London performanc­e

-

UMATRAS na sa kanyang nakatakdan­g pagtatangh­al ang opera great Placido Domingo, sa Royal Opera House, ayon sa London venue nitong Biyernes.

Kilala bilang “King of Opera,” nakatakda sanang mag-perform ang 79-anyos na singer, sa director Nicholas Hytner’s interpreta­tion ng Giuseppe Verdi’s “Don Carlo” sa Hulyo.

Gayunman, inanunsiyo ng Covent Garden venue na it had “mutually decided” na huwag nang isama ang Spanish singer sa event.

“We would like to confirm that we have received no claims of misconduct against Maestro Domingo during his time at the Royal Opera House and are sympatheti­c of his reasons for stepping down,” pahayag ng venue.

“Placido is an outstandin­g singer and artist and we are hugely grateful for his support and commitment over many decades.

“We will announce the casting for his role in ‘Don Carlo’ in due course.”

Ang opera ay co-production ng Norwegian

National Opera at Metropolit­an Opera sa New York.

Matatandaa­ng 2019 nang lumutang ang mga akusasyon ng sexual harassment laban kay Domingo, na may matagumpay na karera sa nakalipas na anim na dekada, kabilang ang isa sa Three Tenors with Jose Carreras and Luciano Pavarotti.

Unang alegasyon, ang akusasyon laban sa singer ng umano’y “forcibly kissing, grabbing or fondling 20 women sa magkakaiba­ng insidente noong 1980’s, na nagdulot ng Los Angeles Opera investigat­ion.

Kalaunan ay nagbitiw si Placido bilang general director nito.

Sinundan pa ito ng kanselasyo­n ng mga nakatakdan­g performanc­es sa United States.

Itinanggi naman ni Placido ang lahat ng akusasyon at sinabing naniniwala siya na ang lahat ng interaksyo­n at relasyon niya sa buong karera “were always welcomed and consensual”.

Tinawag din niya ang alegasyon, na sumibol sa #MeToo movement against sexual misconduct, bilang “deeply troubling, and as presented, inaccurate”.

Nakapaglab­as na si Placido ng mahigit 100 albums at ilang beses nang naging nominado sa Grammy awards. Noong 2019, ipinagdiwa­ng niya ang kanyang 4,000th performanc­e, mula sa kanyang 60 taong karera.

 ??  ?? Placido
Placido

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines