Balita

PH Cuppers, laglag sa malupit na Greek netters ‘DI KINAYA!

-

TINULDUKAN ni World No. 6 Stefanos Tsitsipas ang nalalabing pag-asa ng Team Philippine­s na makabawi sa laban nang pabagsakin si Jeson Patrombon, 6-2, 6-1, nitong Sabafo sa reversed singles ng World Group II Davis Cup tie sa Philippine Columbian Associatio­n’s Plaza Dilao courts sa Paco, Manila.

Mistulang nagsagawa ng tennis clinics ang sixtime APT champion sa kabuuan ng laro at hindi binigyan ng pagkakatao­n si Patrombon na makahirit ng sudden death at angkinin ng Greece ang tie sa 3-1 bentahe.

Target ng nakababata­ng kapatid ni Tsitsipas na si

Petros na hilahin ang tries a dominanten­g kampanya sa pakikipagt­uos kay Jed Olivarez sa huling reversed singles.

“We’re looking forward to playing our next opponents,” pahayag ni Tsitsipas, runner-up kay World No.1 Novak Djokovic sa Dubai Championsh­ip sa nakalipas na linggo.

Sa doubles match-up, nakasingit ang tambalan nina Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales laban sa tambalan nina Petros Tsitsipas at Markos Kaloveloni­s, 7-6 (5), 6-4.

Ngunit, ang naumang pag-asa na nadarama ng sambayan mula sa naturanbg panalo ay tuluyang ibinaon ni Tistsipas sa kanyang tieclinchi­ng win.

Sa kabila nito, randam ng Pinoy Cupper ang kasiyahan ng sambayanan.

“The atmosphere was electric, the crowd gave us the energy we need to get this win,” pahayag ni Gonzales matapos ang double event.

Naglaro sina Alcantara at Gonzales, orihinal na katambal ang Fil-Am na si Treat Huey, sa unang pagkakatao­n bilang doubles partner.

“We were trailing in the second set but the crowd willed us to fight back,” sambit ni Alcantara, nagwagi ng gintong medalya kasama si Patrombon sa double event ng 30th Southeast Asian Games nitong Disyembre.

 ??  ?? TSITSIPAS: Hindi nagbigay.
TSITSIPAS: Hindi nagbigay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines