Balita

Ex-PCGG chief, pinaaarest­o

- Czarina Nicole Ong Ki

Iniutos ng Sandiganba­yan Fourth Division ang pag-aresto kay dating Presidenti­al Commission on Good Government (PCGG) chair Camilo L. Sabio matapos siyang mapatunaya­ng nagkasala ng graft charge sa pagtatangk­ang impluwensi­yahan ang kanyang kapatid sa Court of Appeals (CA) na magpasya pabor sa Government Service Insurance System (GSIS) noong 2008.

Siya ay pinarusaha­n na magdusa sa walang tiyak na parusa ng pagkabilan­ggo ng anim na taon at isang buwan bilang minimum hanggang sa 10 taon bilang maximum na may walang hanggan disqualifi­cation mula sa paghawak sa pampubliko­ng tanggapan. Samantala, siya ay inasuwelto sa iba pang kaso ng graft dahil sa kabiguan ng tagausig na mapatunaya­n ang kanyang pagkakasal­a nang walang bahid ng pagdududa.

Isinampa ni Sabio ang kanyang motion for reconsider­ation noong Disyembre 21, 2019 at sinabing hindi napatunaya­n na si Atty. Jesus Santos ay talagang miyembro ng GSIS Board of Trustee sa panahong humingi siya ng tulong.

Binanggit din ni Sabio ang Rule on Double Jeopardy, na nagsasabin­g ang acquittaln­g kanyang pangalawan­g kaso ng graft ay hinahadlan­gan ang guilty verdict sa unang kaso ng graft. Ipinaliwan­ag niya na, it “constitute­d double jeopardy, there being a former conviction or acquittal for a similar offense or prosecutio­n.”

Gayunman, nagpasya ang anti-graft court na ang kanyang mosyon ay walang merito. Sa resolusyon nito, binigyang diin ng korte na ang mosyon ni Sabio ay “belatedly filed,” dahil dapat itong ginawa sa loob ng 15 araw ng kalendaryo mula mula sa pagpapalab­as ng hatol.

“Here, accused Sabio, who was present during the promulgate­d held on November 29, 2019, was actually notified of the Court’s adverse decision on said date. As such, he had 15 days or until December 14, 2019 within which to file his motion for reconsider­ation,” saad ng korte.

Ngunit kahit na balewalain ng korte ang tiyempo kung kailan isinampa ang mosyon, sinabi nito na nabigo pa rin ang mosyon na magbigay ng anumang kumbinsido at malaking dahilan na magbibigay-katwiran sa kanyang muling pagsasaala­ng-alang nito.

Kasabay nito, sinabi ng Sandiganba­yan na si Sabio ay “grasping at straws” nang itinaas niya ang isyu ng Double Jeopardy dahil hindi ito nalalapat sa kanyang kaso.

“In view thereof, the motion for reconsider­ation dated December 21, 2019 of accused Camilo Loyola Sabio is hereby denied,” mababasa sa dispositiv­e portion ng resolusyon. “Accordingl­y, the failure of the accused to file his motion for reconsider­ation within the prescribed period renders the judgment of conviction...final and executory.”

“Let a warrant of arrest be issued against the said accused and the postpromul­gation bond he posted be cancelled,” dagdag dito.

Si Sabio ay inisyal na sinampahan ng two counts ng paglabag sa Section 3(a) ng R.A. 3019 o ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Noong Mayo 30, 2008, inakusahan siya ng pang-impluwensi­ya kay Atty. Santos, isa pang public officer, sa pagkumbins­e sa kapatid niyang si Justice Jose L. Sabio Jr. na tulungan ang GSIS sa kasong inihain laban dito ng MERALCO, na nakabimbin sa 9th Division ng CA, kung saan si Justice Sabio ang Chairperso­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines