Balita

Carla, nag-adopt na rin

- Ni NITZ MIRALLES

AKALA ng mga kaibigan at followers ni Carla Abellana, baby ang in-adopt niya nang mag-post sa kanyang Instagram (IG) ng photo niya na pumipirma at may nakasulat na “Your Guide to Adoption in the Philippine­s” at may caption na “I ADOPTED!”

Nang hindi pa napapanood ang vlog ni Carla, may nag-comment ng “can’t wait to hear all about it! at may nagsabi na maganda na siya, maganda pa ang puso. Marami rin ang nag-congratula­te sa kanya.

Hindi naman na-disappoint ang followers ni Carla nang malamang dalawang aspin ang in-adopt niya mula sa PAWS at sa interview sa kanya s 24 Oras, katabi niya ang dalawang aspin na pinangalan­an niyang sina Wing at Sky.

Sabi ni Carla, kaya siya nag-adopt bukod sa gusto makatulong sa mga aspin na nag-hihintay na ma-adopt na alaga ng PAWS, gusto rin niyang mapunan ang lungkot sa pagkamatay ng isa niyang aso.

Marami ang pumuri kay Carla at sana raw ay gayahin siya ng mga celebrity na sa halip na bumili ng may mga breed na aso, aspin ang kanyang piniling in-adopt.

Kilalang animal advocate si Carla, volunteer siya sa PAWS at nang pumutok ang Taal volcano, isa siya sa mga artista na pumunta sa Taal, Batangas at tumulong sa pagdid, distribute ng food, medicines at iba pang gamit ng rescued animals.

Samantala, pinayapa ni Carla ang sumusubayb­ay sa GMA-7 primetime series na Love of My Life, mahaba-haba pa ang itatakbo ng teleserye at this week, pang six weeks pa lang ng airing ng teleserye. Inakala kasing magtatapos na ang Love of My Life dahil namatay na ang karakter ni Tom Rodriguez na si Stefano. Pero, marami pa ang mangyayari at sa episode kagabi, napapayag si Adelle (Carla) ni Isabella (Coney Reyes) na iburol at ilibing ang labi ni Stefano sa halip na i-cremate na siyang gusto nang namatay.

 ??  ??
 ??  ?? Carla
Carla

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines