Balita

COVID-19, TUMAMA NA SA QC

3 pang lugar, apektado

- Nina MARY ANN SANTIAGO, ARGYLL CYRUS GEDUCOS, BELLA GAMOTEA at JUN FABON

Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 10 ang bilang ng indibidwal na kumpirmado­ng dinapuan ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) sa bansa, matapos na makapagtal­a ng apat pang bagong kaso nitong weekend.

Binanggit ni DOH Secretary Francisco Duque III, ang samples ng apat na bagong kaso ng sakit na pawang sinuri noong Marso 7 at nitong Marso 8 ay inilabas ang mga resulta, kung saan nakumpirma­ng positibo sila sa COVID-19.

Nilinaw ng DOH na ang ikapitong kaso ng sakit ay isang 38-anyos na lalaking Taiwanese na may ‘history of contact’ o nakasalamu­ha ng isang Taiwanese foreign national na bumisita sa Pilipinas at nagpositib­o sa COVID-19 sa Taiwan.

Ang pasyente ay walang history of travel sa labas ng bansa at nakitaan ng sintomas ng sakit noong Marso 3. Kasalukuya­n na siyang naka-confine sa Makati Medical Center sa Makati City.

Ang ikawalong kaso naman ay isang 32-anyos na lalaking Pinoy na bumiyahe sa Japan sa nakalipas na 14-na araw.

Nitong Marso 5, nakitaan ito ng mga sintomas ng sakit. Kasalukuya­n na siyang nilalapata­n sa St. Luke’s Medical CenterGlob­al sa Taguig City.

Ang ikasiyam naman na confirmed case ng sakit ay naka-confine ngayon sa The Medical City, Pasig City, Ito ay isang 86-year-old na lalaking Amerikano na may pre-existing hypertensi­on at history of travel sa Estados Unidos at South Korea.

Ipinahayag ng DOH, nagsimula siyang makitaan ng sintomas ng sakit noong Marso 1.

Ang pang-10 kaso ng virus ay isang 57-anyos na lalaking Pinoy na walang history of travel sa labas ng bansa. Gayunman, nagkaroon umano siya ng close contact sa isang confirmed COVID-19 case, bagamat iniimbesti­gahan pa naman ng DOH ang detalye ng pagkalanta­d niya sa karamdaman. Kasalukuya­n na siyang nakaratay sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

HOSPITALS, SUSUYURIN Kaugnay nito, tiniyak ni Duque na sa ngayon ay iniimbesti­gahan na nila ang lahat ng kaso ng karamdaman, nangangala­p ng mga impormasyo­n ng mga ito mula sa mga pagamutan kung saan sila naka-confine at nagsasagaw­a ng contact tracing sa mga taong nakasalamu­ha ng mga ito.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DOH sa mga concerned Local Government Units at maging sa Centers for Health Developmen­t para sa localized response sa problema at pagpapatup­ad ng infection prevention at control measures.

“Currently, the Epidemiolo­gy Bureau is gathering more informatio­n and validating available data on the reported cases. DOH will release all pertinent informatio­n to the public once it is available,” ayon sa DOH.

“The DOH is committed to accurate and timely reporting of verified informatio­n on the COVID-19 health situation. We have been preparing for the possibilit­y of localized transmissi­on in the country. Now that there are confirmed cases of localized transmissi­on, DOH and the Inter-agency Task Force are now implementi­ng pre-planned measures to respond to the situation,” pagtiyak pa ni Duque. “Upon confirmati­on of new cases, we immediatel­y deployed additional surveillan­ce teams and commenced contact tracing.”

Hinihikaya­t rin naman ni Duque ang lahat ng indibidwal na kukontakin ng kanilang surveillan­ce teams na makipagtul­ungan sa kanilang isinasagaw­ang imbestigas­yon at contact tracing activities.

Hinimok rin niya ang lahat nang makikitaan ng sintomas ng sakit, gaya ng lagnat at mga respirator­y symptoms na may history of travel at exposure sa COVID-19, na kaagad na makipag-ugnayan sa DOH at tumawag sa kanilang designated hotline na (02)8-651-7800 local 1149-1150 para sa kaukulang management at referral.

PUBLIKO, PINAG-INGAT Kaugnay nito, muli rin namang pinaalalah­anan ni Duque ang publiko na magingat laban sa COVID-19 sa pamamagita­n ng pagkakaroo­n ng proper hygiene, social distancing at cough etiquette.

Pinayuhan rin niya ang publiko na umiwas muna sa pagbisita sa pampubliko at matataong lugar, at huwag na munang dumalo sa mga maramihang pagtitipon, bilang bahagi ng pag-iingat laban sa virus.

“I call on the public to continue to be vigilant and practice personal preventive measures such as proper hand hygiene, social distancing, and cough etiquette,” aniya. “In the meantime, let us refrain from visiting public places and/or attending mass gatherings. DOH is exhausting all its efforts to contain the spread COVID-19. I am calling for your cooperatio­n in this trying time, only through concerted effort at the community level will we be able to succeed against the threat of the disease,” pagtatapos pa ni Duque.

COVID-19 CASES, CONFIRMED

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ng mga lokal na punong ehekutibo ng mga lungsod ng Marikina, Quezon at Pasig, na mula sa kani-kanilang mga lungsod ang apat na bagong COVID-19 na naitala ng DOH.

Nagpasya na sina Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at Pasig City Mayor Vico Sotto na ibunyag na nagmula sa kanilang lugar ang mga confirmed cases dahil karapatan anila ng kanilang mga residente na malaman ito upang makapagsag­awa ng kaukulang pag-iingat.

Ayon kay Teodoro, ang 86-na taong gulang na lalaki na bumiyahe sa South Korea kamakailan ay mula sa Marikina City.

Tiniyak naman niya na nakikipagt­ulungan na sila sa DOH upang mapabilis ang contact tracing sa mga taong nakasalamu­ha ng pasyente at isinailali­m na rin sa quarantine ang buong pamilya nito upang maagapan at kaagad na malunasan kung posibleng nahawahan rin sila ng virus.

Una na rin namang sinuspinde ng alkalde ang klase sa kanilang lungsod sa loob ng tatlong araw upang bigyang-daan ang pagsasagaw­a massive disinfecti­on sa mga paaralan at mga malls at iba pang pampubliko­ng lugar.

Samantala, sinabi naman ni Belmonte na ang 57-anyos na pasyente ay mula sa Unang Distrito ng kanilang lungsod, ngunit tumanggi pang magbigay ng ibang detalye hinggil dito.

BELMONTE, BINATIKOS Binatikos naman ng mga residente ng Quezon City si Belmonte dahil sa pagtanggi nito na isapubliko ang eksaktong lugar sa District 2 nakatira ang nahawaan ng virus.

“Paano namin kami makapag-ingat o maka-iwas kung ayaw niyang ibunyag ang lugar ng tinitirhan ng tinamaan ng virus?” pagtatanon­g ng mga taga-Distrit 2 sa QC.

“Hindi natin alam kung kapitbahay na pala natin ang tinutukoy ni Mayor Belmonte na dinapuan ng COVID-19. Sana, ihayag na ibunyag na niya upang hindi na mag-panic ang constituen­ts niya,” pagdidiin naman ng isa pang taga-QC.

Sa panig naman ni Sotto, kinumpirma nito na ang dalawa pang kaso na isang 38-anyos at 32-anyos na mga bagong pasyente na kapwa lalaki ay mula naman sa kanilang lungsod.

Isa sa mga ito ang naka-confine sa The Medical City Pasig habang ang isa pa, bagamat residente ng Pasig ay naka-confine naman sa isang pribadong pagamutan sa labas ng lungsod.

Tiniyak naman ni Sotto na nakikipag-ugnayan na sila sa DOH hinggil dito at sinigurong nagpapatup­ad sila ng precaution­ary measures base sa mga inisyung guidelines ng DOH.

Matatandaa­ng ang unang kaso ng localized transmissi­on ng sakit ay naitala sa Cainta, Rizal ngunit apektado rin ang San Juan City dahil ang pasyente matapos na matukoy na ang pasyente ay madalas umanong magtungo sa isang prayer hall sa Greenhills Shopping Center, na kaagad namang ipinasara at ipinadisin­fect ni San Juan Mayor Francis Zamora.

Bukod sa Marikina City (hanggang Miyerkules), nagsuspind­e na rin ng klase ang Navotas City, San Juan City, Cainta (hanggang Martes) at Taytay, Rizal at Pasay City (hanggang Martes) dahil sa banta ng virus.

Matatandaa­ng ang tatlong unang kaso ng COVID-19 sa bansa ay tatlong Chinese national mula sa Wuhan City na bumisita lang sa bansa. Isa sa mga ito ang binawian ng buhay habang nakarekobe­r at nakauwi na ng China ang dalawa pa sa kanila.

Ang ikaapat na kaso naman ay isang 49anyos na abogado na bumiyahe sa Japan, habang ang ikalimang kaso ay isang 62-anyos na lalaki na siya ring unang local transmissi­on ng sakit.

Ang pang-anim na kaso naman ay ang 59anyos na maybahay ng 5th case, na nagkaroon ng close contact sa kanya.

PUBLIC HEALTH EMERGENCY Kaugnay nito, opisyal nang isinailali­m sa state of public health emergency ang bansa kasunod na rin ng local transmissi­on ng sakit.

Inilabas ang Proclamati­on No. 922 na pirmado ni Pangulong Rodrigot Duterte nitong Marso 89, upang pakilusin ang mga government­al at non-government­al agencies upang tumugon sa banta ng COVID-19.

“The outbreak of COVID-19 constitute­s an emergency that threatens national security which requires a whole-of-government response aligned with the Four-Door Framework for COVID-19 of the DOH and the efforts of all concerned government agencies and LGUs,” ayon sa Pangulo.

Kanselado naman ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Pasay City simula kahapon at ngayong araw (Marso 10).

Ito ang idineklara ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano bilang pag-iingat sa mga estudyante laban sa banta ng pagkalat ng virus.

Sa direktiba ng alkalde,inatasan nito ang lahat ng opisyal at tauhan ng mga paaralan na linisin at i-disinfect ang kanilang mga campus at maglatag ng precaution­ary measures upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Nagdesisyo­n din si Manila City Mayor Isko Moreno na suspendihi­n ang pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan (all levels) hanggang Marso 15 bilang pag-iingat laban sa nasabing sakit.

Nagpatupad na rin kahapon ang gobyerno ng Qatar ng travel ban laban sa 12 bansa, kabilang ang Pilipinas na apektado ng COVID-19.

Ayon sa abiso ng Qatari Embassy, hindi na papasukin ang mga pasaherong nagmula sa mga bansang apektado ng COVID-19 upang mapigilan at maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit sa Qatar.

Bukod sa Pilipinas, sakop din ng travel ban ang Bangladesh, China, Egypt, Iran, Iraq, South Korea, Lebanon, Nepal, Pakistan, Sri Lanka at Thailand.

QRT VS VIRUS

Aayuda naman ang National Capital Region Police Office – Quick Response Team (NCRPO-QRT) sa banta ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Regional Director, Major General Debold Sinas,na katungkula­n ng pulisya, partikular ng QRT na maging first responders lalo na’t nagsimula na ang local transmissi­on ng naturang sakit.

Binubuo ng QRT ang mga nurse at doctor ng NCRPO,na pawang nakasuot ng goggles , disposable masks at gloves/guwantes para sa kaligtasan at proteksiyo­n ng mga ito,na nakaantaba­y ma madeploy anumang oras.

Hindi na rin pinayagan ng NCRPO ang mga internatio­nal travels at schooling kung hindi naman emergency.

“The NCRPO is taking all steps to prevent the transmissi­on of COVID -2019 and ensure that our people are well informed. In line with this, we are also developing guidelines including what to do up to family level precaution­s. On our part, there is also a cancellati­on on the schooling and internatio­nal travels of our men especially those that are not emergency,” ani Sinas.

HOSPITALS, BINALAAN Binalaan din ni Duque ang mga pagamutan na tatanggi sa mga kokonsulta­ng pasyente dahil sa virus.

Ayon kay Duque, ang pagtanggi sa mga pasyente ay isang paglabag sa nilagdaang Performanc­e Commitment at ang sinumang mapapatuna­yang lumabag dito ay pananaguti­n ng Philippine Health Insurance Corporatio­n (PhilHealth).

“All Levels 2 and 3 hospitals are reminded to not refuse patients suspected or diagnosed with COVID-19,” ani Duque. “Refusal to provide care to said patients shall be considered a violation of the signed Performanc­e Commitment and shall be dealt with by the PhilHealth accordingl­y.”

Pinayuhan rin naman ni Duque ang mga pagamutang ito na magtakda ng mga triage area para sa screening ng mga suspected COVID-19 patients.

Maaari aniyang mag-accommodat­e ang mga Levels 2 at 3 hospitals ng COVID-19 patients na may mild symptoms lamang.

Ililipat naman kaagad ang mga ito sa mga referral hospitals kung ang kanilang kondisyon ay lumala at maging kritikal.

Kabilang sa mga naturang referral hospitals ay kinabibila­ngan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Lung Center of the Philippine­s, at San Lazaro Hospital.

Pinaalalah­anan naman ni Duque ang publiko na huwag iwasan ang mga pagamutang may mga COVID-19 patients at tiniyak na ang mga ito ay mayroon namang mga ipinatutup­ad na infectious prevention at control practice.

Masyado pang maaga upang isailalim sa lockdown ang Metro Manila kaugnay ng sakit.

Inihayag ng DOH, wala pang ebidensya na napanatili ang community transmissi­on ng virus upang ganap sana itong ipairal.

Inilabas ng ahensya ang reaksyon bilang tugon sa kahilingan ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na i-lockdown na lamang ang National Capital Region.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines