COVID-19 POSITIVE, 33 NA

Lockdown sa NCR ‘di pa kailangan

Balita - - Front Page -

Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na nasa 33 na ang naitatala nilang kaso ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Unang nagpaskil ang DOH sa kanilang Facebook account ngunit hindi pa nagbigay ng karagdagan­g detalye hinggil dito.

“Breaking: The Department of Health (DOH) reported 11 additional confirmed cases of COVID-19,” paskil ng DOH. “This brings the total number of confirmed cases in the country to 35.”

Ni MARY ANN SANTIAGO

Ngunit binago ang DOH ang bilang sa press conference kalaunan, sinabi 11 kaso ang naiulat nitong Martes, kabilang ang dalawang repeat tests.

Sa beripikasy­on, sinabi ni Assistant Health Secretary Maria Rosario Vergeire na mayroon lamang 9 bagong kaso, at 2 ang repeat tests para sa patients 7 at 8.

“This now we are officially saying, we have new 9 cases, hindi po (not) 11. Siyam lang po (just 9), total of 33 cases now for the Philippine­s of COVID-19,” sinabi ni Vergeire.

“We’d like to apologize for that mistake because earlier than that time, there was this post coming from the health emergency meeting coming from the World Health Organizati­on wherein they initially reported the 35 cases,” aniya.

Matatandaa­ng ang unang COVID19 death na naitala sa bansa ay ang 44anyos na Chinese national na lalaki na mula sa Wuhan City, na nagbakasyo­n lamang sa Pilipinas, kasama ang kanyang nobya, na nagpositib­o rin sa sakit ngunit nakarekobe­r at nakabalik na sa China.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.