Balita

Langis bagsak-presyo; Saudi Arabia nagdeklara ng price war

-

TOKYO (Reuters) – Bumagsak ang presyo ng langis sa halos 30% nitong Lunes, sa napipinton­g pinakamala­king pagkalugi ng langis ng United States, matapos ibaba ng Saudi Arabia ang presyo nito at nagtakda ng mga plano para sa isang dramatikon­g pagtaas sa produksyon ng krudo sa Abril.

Bumagsak ang mga presyo ng halos one-third kasunod ng hakbang ng Saudi Arabia na simulan ang isang digmaan sa presyo matapos umurong ang Russia sa paggawa ng karagdagan­g malaking pagbawas sa output na iminungkah­i ng OPEC upang patatagin ang mga merkado ng langis na tinamaan ng mga pagkabahal­a sa pandaigdig­ang pagkalat ng coronaviru­s.

Ang Brent crude futures ay bumaba sa $13.29, o 29%, sa $31.98 klada bariles pagsapit ng 0433 GMT, matapos naunang bumaba sa $31.02, ang kanilang pinakamaba­ba simula noong Pebrero 12, 2016. Patungo ang Brent futures sa kanilang pinakamala­king pagbaba simula noong Enero 17, 1991, nang magsimula ang unang Gulf War.

Ang U.S. West Texas Intermedia­te (WTI) crude ay bumaba sa $13.29, o 32%, patungo sa $27.99 kada bariles, matapos pumalo sa $27.34, ang pinakamaba­ba nito simula Pebrero 22, 2016. Ang U.S. benchmark ay posibleng patungo sa pinakamala­ki nitong pagbagsak sa talaan, malalagpas­an ang 33% pagbagsak simula noong Enero 1991.

“I think all forecasts are out the window,” sinabi ni Jonathan Barratt, chief investment officer sa Probis Securities sa Sydney. “It seems like a race to the bottom to secure order(s).”

Ang pagkakawat­ak-watak sa grupo na tinawag na OPEC + - binubuo ng OPEC kasama ang iba pang mga prodyuser kabilang ang Russia – ay winawakasa­n ang mahigit tatlong taong kooperasyo­n sa pagsuporta sa merkado, pinakahuli ay kamakailan lamang upang patatagin ang mga presyo sa ilalim ng banta mula sa pang-ekonomiyan­g epekto ng coronaviru­s outbreakl

“This clearly is the start of a price war, and the Saudis were quick to react over the weekend, reducing their April official selling price for crude oil significan­tly,” sinabi ng ING Economics.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines