Duterte: I will shake hands with everybody

Balita - - Balita - Argyll Cyrus B. Geducos

Sinuway ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “no-touch” policy na ipinatupad ng Presidenti­al Security Group (PSG) upang maprotekta­han siya mula sa coronaviru­s disease-2019 (COVID-19).

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos siyang makita na nakikipagk­amay sa mga naroroon sa pulong ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) sa kabila ng bagong protocol ng PSG nitong Lunes ng gabi.

Sa isang press conference pagkatapos ng pagpupulon­g, sinabi ni Duterte na hindi niya susundin ang mga hakbang na ipinatutup­ad ng PSG, dahil hindi siya natatakot na mamatay.

“Sinasabi ko sa iyo na kung tawagin na ako ng Diyos ngayong oras na ito, pupunta na ako,” aniya sa reporters nitong Lunes ng gabi.

“Tapos na ako. Naging presidente na ako, pinakamata­as na maabot ng isang tao. Mga anak ko okay na,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Duterte na hindi niya masusunod ang payo ng kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña naiwasan ang malaking pulutong kasunod ng local transmissi­on ng COVID-19.

“Trabaho ko ‘yan, eh. I cannot... Pwera na lang kung yung mga participan­ts nila matapang,” sinabi n Pangulo.

“I will not decline invitation­s. I will shake hands with everybody. I am going to Mindanao to visit my dead soldiers if I can stay there, and to congratula­te my warriors,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.