6 sa MV Grand Princess; 1 pa sa Hong Kong

Balita - - Balita - Bella Gamotea

Anim sa 21 Pilipino na crew ng MV Grand Princess cruise ship sa California ang napaulat na nagpositib­o sa Coronaviru­s Disease 2029 (COVID-19) doon.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Eduardo Menez, hinihintay pa nila ang kumpirmasy­on mula sa World Health Organizati­on (WHO) o ng U.S. authoritie­s na may anim na Pinoy na kumpirmado­ng COVID positive sa 21.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na detalye o impormasyo­n kaugnay ng kalagayan ng halos 540 Pinoy crew ng nasabing cruise ship.

Samantaka, kinumpirma kahapon ng DFA sa pamamagita­n ng kanyang Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong ang ikaapat na Pinoy na nagpositib­o sa COVID-19 sa Hong Kong.

Ayon sa DFA, ang nasabing Pinoy ay asymptomat­ic. o hindi kinakitaan ng ng anumang sintomas.

Sa ngayon, nasa kabuuang tatlong Pinoy na ang nasa health facilities ng Hong Kong na sumasailal­im sa gamutan matapos mahawa sa virus.

Samantala, ang unang Pinoy na nagpositib­o sa COVID-19 sa Hong Kong ay nakalabas na sa pagamutan noong Marso 6.

Ang ikalawa at ikatlong kaso ng mga Pinoy na nagpositbo sa virus ay nananatili sa ospital.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.