Balita

PAGASA: Tag-init papasok na

- Ni ELLALYN DE VERA-RUIZ

Dapat nang maghanda ang mga Pilipino para sa tuyo at mainit na panahon dahil halos patapos na ang panahon ng “amihan” o northeast monsoon

Sinabi ni Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Adminsitra­tion (PAGASA) weather specialist Joey Figuracion na ang temperatur­a ng hangin sa Metro Manila ay maglalaro sa 25 degree Celsius at 35 degree Celsius sa susunod na tatlong araw.

Nitong Linggo, naitala ng PAGASA ang pinakamata­as na temperatur­a ngayong taon sa 35 degrees Celsius sa Quezon City, 35.5 degrees Celsius sa Pasay City, at 35.5 degrees Celsius sa Tuguegarao City.

Sinabi ni Figuracion na ang mainit na panahon ay maaaring magpatuloy hanggang Miyerkules sa pag-iral ng easterlies o ang mainit at mahalumigm­ig na hangin na nagmumula sa Pasipiko.

Ang mga mainit na umaga ay karaniwang sinusundan ng biglaang ngunit maikling pag-ulan sa tanghali o sa hapon.

Gayunman, nabanggit niya na ang “amihan” ay magkakaroo­n ng isang maikling pagbalik sa Miyerkules ngunit hindi na ito magiging malamig tulad ng sa mga nakaraang linggo. Sinabi niya na ang dulo ng Hilagang Luzon ay maaaring makaramdam ng malamig na simoy ng “amihan”.

“The amihan will temporaril­y weaken again towards the weekend before another weak cold surge occurs next week,” dagdag ni Figuracion.

Sinabi niya na ang patuloy na panghihina ng “amihan” ay maaaring magtulak sa PAGASA na wakasan ang northeast monsoon season nang maaga sa Marso 21.

Ang pagtatapos ng panahon ng “amihan” ay susundan ng opisyal na pagsisimul­a ng mainit at tuyong panahon sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines