Balita

US, magbibigay ng $37 milyon sa PH atbp pa para sa Covid-19

- Bert de Guzman

NANGAKO ang United States na magkakaloo­b ng $37 milyong tulong sa Pilipinas na apektado ng coronaviru­s disease (Covid19. Bukod sa ‘Pinas, kasama sa aayudahan ng US ang 24 pang bansa na apektado ng karamdaman.

Sinabi ni Mark Green, administra­dor ng US Agency for Internatio­nal Developmen­t (USAID), ang $37 milyon ay kukunin mula sa Emergency Reserve Fund for Contagious Infectious Disease. Kasama ring tatanggap ng pondo ang World Health Organizati­on (WHO).

Sana ay gayahin ng China, Russia at iba pang mayayamang bansa ang aksiyong ito ng bansa ni Uncle Sam. “Dahil ang banta ng infectious disease kahit saan ay banta sa kahit saang lugar, nananawaga­n kami sa iba pang donors na mag-ambag sa pagsisikap na sugpuin ang Covid19,” ayon kay Green.

Malaki ang maitutulon­g ng $37 milyon sa pagbaka sa Covid19 sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa na tinatamaan ng sakit na ito. Magagamit ang pondo ng apektadong mga bansa sa paghahanda ng kanilang mga laboratory­o para sa malawakang testing ng Covid-19 para masugpo ang sakit na ito na laganap na sa maraming bansa.

Sinusuri ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) ang mga report na may 3,000 Chinese military personnel ang nakapasok na sa bansa at nagsasagaw­a ng intelligen­ce operations. Sinabi ni AFP chief of staff Gen. Felimon Santos Jr. na nakikipag-ugnayan ngayon ang kanyang intelligen­ce staff sa ibang mga ahensiya ng pamahalaan upang kumpirmahi­n ang pahayag ni Sen. Panfilo Lacson na 3,000 sundalong Tsino ang nagsasagaw­a ng intelligen­ce operations sa ‘Pinas.

Ayon kay Santos, bina-validate nila ang report ni Lacson dahil ito ay isang seryosong bagay. Dahil mismong ang senador daw ang nagsabing kelangan pa itong i-validate, nangangahu­lugan na ito ay isa palang hilaw na intelligen­ce report, ayon naman kay presidenti­al spokesman Salvador Panelo.

oOo Bumagsak ang helicopter na lulan nina PNP Chief Gen. Archie Gamboa, tatlong Heneral at apat pang opisyal noong Biyernes sa San Pedro, Laguna matapos itong mag-takeoff. Habang sinusulat ko ito, ligtas ang lahat, maliban sa dalawang Heneral na kritikal ang kalagayan.

Bukod kay Gamboa, ang sakay ng PNP Bell 429 helicopter (RP3086429) ay sina Brig. Gen. Bernardo Banac, PNP spokesman, Maj. Gen. Jose Ma. Victor Ramos, director for comptrolle­rship, Maj. Gen. Mariel Magaway, director for intelligen­ce, Capt. Kevin Gayarma, MSgt Louise Sistona, pilot Lt. Col. Ruel Salazar at co-pilot Lt. Col. Rico Macawili. Ang dalawang kritikal ang kalagayan ay sina Ramos Magaway.

Sa kabila ng aksidente at pagbagsak ng helicopter, mananatili­ng sasakay sa helicopter si Pres. Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagbisita at pagpunta sa iba’t ibang lugar. Sinabi ni Panelo na fatalistic ang 74-anyos na Pangulo at laging sinasabing “Kung oras ko na, ito na ang oras ko.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines