Welder, nahulog sa 6th floor ng gusali, patay

Balita - - Balita - Light A. Nolasco

Patay ang isang 47-anyos na welder matapos aksidenten­g madulas sa scaffoldin­g at mahulog mula sa ikaanim na palapag ng ginagawang gusali sa Bgy.Calaocan, San Jose City, Sabado ng umaga.

Naisugod pa sa Sacred Heart of Jesus Hospital ang biktima na si Crisostomo Jao, 47, may-asawa, isang welder o fabricator ng Zone 6. Bgy.Sto. Nino 1st, SanJose City, ngunit binawian din ito ng buhay.

Bandang 8:40 ng umaga, habang nasa ika-6 na palapag ang biktima sa ginagawang gusali ay tumuntong umano ito sa scaffoldin­g upang maabot ang iwewelding nang aksidenten­g madulas ito at bumagsak sa ikalawang palapag ng gusali.

Patuloy pa ang isinasawan­g imbestigas­yon ng mga awtoridad sa insidenten­g ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.