CAFGU member, todas sa kainuman

Balita - - Balita - Fer Taboy

Patay ang isang kasapi ng Citizen Armed Forces Geographic­al Unit (CAFGU) makaraang pagbabaril­in ng kanyang kasamahan na napikon sa kanilang pagtatalo sa detachment sa North Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Nakilala ang biktimang si Ronie Enoyog, 46, may-asawa at residente ng Barangay Libertad, bayan ng Arakan, North Cotabato.

Agad naman nahuli ang suspek na nakilalang si Demer Sulayman.

Ayon kay Police, Captain Gaspar Maguiwe, hepe ng Arakan Municipal Police Station(AMPS), nagtalo ang biktima at kasamahan niyang Cafgu sa loob ng kanilang ng detachment sa Bgy. Dallag, bayan ng Arakan.

Inawat lamang umano ng suspek dalawa niyang kasamahang Cafgu na nagaaway. Ngunit bigla umanong sinuntok ni

Enoyog si Sulayman kaya nagdilim ang paningin at pinagbabar­il ng suspek ang biktima ng M1 Carbine rifle.

Namatay noon din ang biktima bunga sa tinamong tatlong tama ng bala. Habang agad ding nahuli ng mga kasamahan ang suspek at isinuko sa pulisya.

Nakatakdan­g sampahan ng kasong homicide ang suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.