Balita

Kamille Filoteo, hindi kayang tumanggap ng daring role

- Reggee Bonoan

ISA si Kamille Filoteo (dating PBB housemate 737 Teen Edition) sa artist ng AsterisK Digital Entertainm­ent na pag-aari ni Kristian G. Kabigting na dating taga-ABS-CBN Star Magic, at dating miyembro ng nabuwag na grupong Girltrends.

Sa ginanap na launching ng AsterisK artists sa Water Water Balance Events Place kamakailan ay nalaman naming kusang umalis na si Kamille sa Kapamilya network at co-manage na siya ng Viva Artist Agency nitong Enero lang.

Inamin ni Kamille na dumaan siya sa depresyon dahil ilang taon siyang naghintay simula nang lumabas siya sa Bahay ni Kuya, 2015 ay walang nangyari sa karera niya. Kasabayan niya sina Barbie Imperial, Jimboy Martin, Kenzo Gutierrez, Kyle Secades at iba pa.

Ipinagdiin­an ni Kamille na wala siyang tampo sa ABS-CBN, nagkataon lang na nainip siya dahil kailangan niyang mag-work dahil may anak siyang kailangan buhayin.

Bago pa pala na-tsugi ang grupong Girltrends ay nauna ng umalis si Kamille dahil napagod na siya at wala namang nangyari. Hanggang sa nagkagulo ang mga miyembro at tuluyan ng nawala sa It’s Showtime.

Walang pagisisi sa parte ni Kamille, “wala naman po. ero nagpapasal­amat po ako kasi sa dalawang taon naming magkakasam­a, nag-grow kami isa-isa po. Sa ngayon gusto kong mag-focus sa acting.”

Bakit sa Viva siya pumirma, “kasi po bago at naniniwala akong maraming projects silang maibibigay hopefully.”

Hindi itinanggi ni Kamille na dalawa na ang anak niya at nagpa-plano ang non-showbiz boyfriend niya ng kasal.

Pero siyempre kailangan din niyang magtrabaho para sa binubuo nilang pamilya, “hindi naman na po uso ngayon na isa lang ang nagwo-work, dapat pareho na,”sambit ni Kamille.

Lahat daw ng klaseng karakter ay tatanggapi­n ni Kamille huwag lang ang sexy role tulad nina Ivana Alawi, Rhein Escano at Cindy Miranda.

“Sa ngayon po parang hindi pa ako ready, hindi po natin alam, malay n’yo pero hindi pa ako ready talaga saka may mga anak po ako at gusto kong mag set ng magandang example sa mga bata. Siyempre paglaki nila makikita nila na, ‘hala ‘yung mommy ko, nagpamille. sexy,” natawang paliwanag ni Kamille.

Iba na kasi ang panahon ngayon sa panahon noon na ‘yung mga anak ng sexy stars noong araw ay proud sila sa achievemen­ts ng magulang nila. Bagama’t proud din naman ‘yung henerasyon ngayon, ang kaso natatalo sila ng mga tukso o pambu-bully ng kaibigan at netizens na humahanton­g sa hindi magandang resulta.

At habang walang masyadong ginagawa ang proud mom of two ay nagba-vlog siya kasama ang boyfriend at mga anak na natutuwa naman dahil maraming sumusubayb­ay sa kuwento nila.

Ang iniisip ngayon ni Kamille kapag may work siya ay maiiwan niya ang mga anak niya pero alam niyang safe naman dahil in-laws niya ang mag-aalaga.

“Siyempre ganu’n po ang nanay ‘di ba, ayaw mong mahihiwala­y sa mga anak mo, nilalabana­n ko ‘yung anxiety (separation) pero kailangang mag-work,” sambit nito.

At kapag walang ginagawa ay tumutulong si Kamille sa gawaing bahay lalo’t sa in-laws niya siya nakatira.

“Opo, kailangan po kasi nakakahiya nakikitira na nga kami alangan magbuhay prinsesa pa po ako. At saka pinalaki po ako ng magulang ko na marunong gumawa sa bahay,”say ng baguhang artista.

Samantala, magsisimul­a namang mag-taping na si Kamille kasama si Axel Torres sa TV5 para sa isang teleserye na My Extraordin­ary na produce ng Asterisk Digital Entertainm­ent at ang ibang kasama ay ang mga talent ng nasabing management company tulad nina Princess Manaloto, Ronan Bearis, Hannah Balahadia, Carl Saliente, Ivan Morriel, Nina Flores, Karissa Toliongco, Hillary Tan, Christine Lim, Sam Cafranca, Z Mejia, Ayumi Takezawa, Enzo Santiago, Darwin Yu, Miguel Diokno at Nico Nicolas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines