Balita

Darren, millennial endorser

- Ni NORA V. CALDERON

“DARRENATIC ako,” sabi ni Ms. Rei Tan

Anicoche nang i-introduce niya si Darren Espanto bilang ang pinakabago niyang endorser ng kanilang Beautederm Products. “Si Darren ang tutulong sa akin para marating natin ang young market ng mga millennial­s na tulad niya. 40 years old na ko, pero kapag kasama ko siya, feeling millennial din ako. Ang dami-dami niyang followers sa kanyang social media. Nakakagula­t na kapag nag-post siya kahit isang picture lamang, nagti-trending agad. At kapag nag-show siya, nagkakagul­o ang mga fans niya. Iyon ang naging batayan ko para kunin siyang endorser kaya pinahanap ko siya. Now that he’s with us, expected na ng mga fans na makakasama siya ng Beautederm team na magpi-perform sa mga shows, kasama ng iba pang brand ambassador­s natin. At ngayon pa lamang we got na many requests para sa next show natin.”

At si Darren: “I’m happy and proud to be part of Beautederm family and I will be glad to sing for them. And I’m glad na I will be endorsing Spruce & Dash products for my personal hygiene and good grooming, especially Brawn Anti-perspirati­on na ginagamit ko rin for my feet at saka ang BeauCharco­al Soap na nakakagand­a talaga ng skin.”

Dapat pala ay pupunta si Darren sa China for a singing competitio­n, ang The Singer na last year ay guest performer na siya roon, pero hindi siya tumuloy dahil sa corona virus scare at may travel ban nga sa China. Ipinagpasa­lamat ni Darren na nakapag-guest muna siya doon last year kaya wish na lamang niya, kapag naalis na ang travel ban, ay matuloy pa rin siyang makasali sa competitio­n.

Nasubukan na rin ni Darren ang pag-arte nang makasama siya sa movie na How’s Of Us nina Liza

Soberano at Enrique Gil. Itutuloy na ba niya ang

pag-arte?

“Marami pong offers at kung sakali, gusto ko munang magkaroon ng acting workshops. Pero as of now, mas focus po ako sa singing at performing.”

Napangiti na lamang si Darren nang tanungin siya sa kanyang lovelife. Hindi naman niya itinanggi na at 18, nagkaroon na rin siya ng girlfriend­s, sina Kyline Alcantara (nang nasa ABSCBN pa ito) at sa isa pa ring Kapamilya, si Andrea

Brillantes. Pero kay Cassy Legaspi nina Zoren at Carmina Legaspi siya nali-link ngayon.

 ??  ?? Darren
Darren

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines