Ika-64 na labas
“PUWEDE po bang magtanong?” Tanong ni Allea sa barangay tanod na nakatambay sa gilid ng daang papunta sa lumang-lumang bahay ng pamilya ni Tandang Mundong. “Puwede,” sagot ng barangay tanod. “Ako po ba ang sinusubaybayan ninyo?” Prangkang tanong ni Allea. “Kasi po, dalawang araw ko na kayong nakikitang nakatambay sa gilid ng daang tatahakin ko papunta sa center at pauwi sa bahay.”
“Huwag kayong mabibigla at magagalit, miss,” sagot ng barangay tanod. “Kayo nga ang sinusubaybayan ko kaya nakatambay ako sa daang papunta sa health center at pauwi sa bahay ni Lolo
Mundong.”
“Kung hindi ninyo mamasamain, puwede ko po bang malaman ang dahilan?” Tanong ni Allea na patuloy na pinagmamasdan ang kausap.
“Puwede,” sagot ng tanod. “Ngunit bago ko sabihin ang dahilan, magpapakilala muna ako sa iyo, ako si Ramil, kaklase mo noong nag-aaral pa tayo ng elementary.”
Sa narinig na pangalan, may alaalang mabilis na pumitik sa utak ni Allea noong nag-aaral pa siya sa paaralang elementarya ng barangay Alagaw, alaalang malalim na natanim sa kanyang isip at diwa. Hindi pa nadudugtungan ng barangay tanod ang kanilang pag-uusap, natiyak na niyang kaklase niya ang kausap noong nagaaral pa siya sa paaralang elementarya ng barangay Alagaw na naputol dahil sa krimeng naganap sa kaniyang magulang. Malagim at karumal-dumal na krimeng naging dahilan para makabuo ng sumpang maghihiganti pagbalik sa barangay kung saan siya isinilang at ginugol ang panahon ng kamusmusan. Matapos magpakilala sa barangay tanod, masayang sinabi ng barangay tanod na tama ang hinala niyang ang kaklaseng si Allea, ang bagong midwife sa health center ng kanilang barangay. Sinabi rin ni Ramil na nakatambay siya sa gilid ng daan para tiyaking ligtas si Allea sa mga salaring pumatay sa kaniyang magulang na hindi pa nahuhuli kahit mahigit sampung taon na ang nakakalipas. Hindi na tumutol si Allea ng hilingin ng kaklaseng ihatid siya sa lumang bahay ng pamilya ni Tandang Mundong.
“Bakit mo ako nakikila?” Tanong ni Allea sa kaklaseng barangay tanod na kasabay sa paglalakad.
“Nang marinig kong Allea ang pangalan ng bagong midwife na nakatalaga sa ating barangay health center, pumitik sa isip kong baka ikaw ‘yun,” sagot ni Ramil.
“Salamat naman at natanim ng malalim sa utak mo ang pagiging magkaklase natin at magkaibigan, Ramil,” nasisiyahang wika ni Allea.
“At alam mo bang hindi lang sa utak ko natamin ng malalim ang pagiging magkaklase at magkaibigan natin, Allea?” Tanong ni Ramil na nakatingin sa dating kaklase.
“Saan pa?” Tanong ni Allea.
“Dito,” sagot ni Ramil na itinuro ang dibdib.
Lihim, nagdulot ng saya at tuwa ang sinabi ng kaklase kay Allea
na sinabayan ng pagbalik ng ilang pangyayari sa panahong magkaklase sila ng barangay tanod sa paraalang elementarya ng barangay Alagaw. Pangyayaring hindi lamang tuwa at saya ang hatid sa kanya, kung hindi nakakakiliting kurot sa puso. Puppy love siya ni Ramil at may ganito rin siyang nararamdaman sa kaklase, isang pangyayaring pangkaraniwang nagaganap sa panahon ng kamusmusan sabatang lalaki at babae. At sa patuloy na pagbabalik-alaala ni Allea sa pangyayaring sinabi ng kaklase noong nag-aaral pa sila sa paaralang elementarya, bumalik din sa alaala niya ang damdaming ipinahayag ni Ramil sapamamagitan ng mga sulat. Sulat na dahil may katugong damdamin sa puso niya ang nilalaman, itinago niya sa kanilang bahay
na sinunog ng tatlong salaring pumatay sa kaniyang mga magulang mahigit sampung taon ang nakakalipas.
“Tutuo ang sinabi ko, Allea,” dagdag ni Ramil. “Nananatili pa sapuso ko hanggang ngayon ang damdaming ipinahayag ko sa aking mga sulat sa iyo.”
“At tiyak, ito ang dahilan kaya agad kitang nakilala sa una pa lamang nating pagkikita,” dagdag ng barangay tanod na patuloy sa paglalakad kasabay si Allea.
Itutuloy...