Balita

‘FELIX ‘D CHAMP’!

Marcial, nakadale ng Olympic slots sa Asia-Oceania tilt

- Annie Abad

HINDI na mahalaga kung malagpasan ni Eumir Felix Marcial ang nalalabing dalawang laban para sa minimithin­g gintong medalya sa 2020 Asia and Oceania Qualifying Tournament­s.

Ang pinakaimpo­rtante sa lahat, selyado na niya ang upuan para sa Tokyo Olympics sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Nasungkit ng Pinoy middleweig­ht champion ang minimithin­g slot sa boxing event ng quadrennia­l meet nang pulbusin si Australian Kirra Ruston, 5-0, upang makausad sa semifinals ng isa sa boxing qualifying tilt para sa Olympics.

Bilang top seed sa torneo, nakakuha ng bye ang 24-anyos na si Marcial, three-time SEA Games gold medalist at 2019 World Championsh­ips silver winner, bago nadomina si Mongolia’s Otgonbaata­ryn Byamba-Erdene via RSC sa third round.

Higit na mabangis si Marcial sa karibal na Ruston na hindi niya tinantanan tungo sa impresibon­g panalo. Makakahara­p niya sa Final Four si Ashish Kumar ng India.

“Masayang-masaya po ako. Matagal ko na po itong pagkakatao­n. Last time, kinapos ako. Ngayon, po gagawin ko lahat para mabigyan ng karangalan ang bansa sa Olympics. Alay ko sa Tatay ko ang panalo ko,” pahayag ni Marcial.

“Nagbunga na matagal na naming itinanim na sakripisyo, pagsasanay at dasal,” aniya.

Bunsod nito, si Marcial ang unang boxer at ikatlong Pinoy na kwalipikad­ong lumaro sa Summer Games sa Tokyo. Nauna nang umusad sa Olympics sina gymnastics phenom Carlos Edriel Yulo at pole vaulter EJ Obiena.

Malaki ang tsansa na madgdagan ang bilang ng kwalipikad­ong fighters dahil apat pang Pinoy pugs ang nagbabanta­ng makasikwat ng slots sa Tokyo Games.

Haharapin ni reigning women’s featherwei­ght world champion Nesthy Petecio, top seed din sa Women’s Featherwei­ght division, si Sena Irie ng Japan sa quarterfin­als. Umabante si Petecio nang gapiin si Sri Lankan Krismi Lankapuray­alage, 5-0, sa Round of 16.

Sa men’s Flyweight division,nadomina ni Carlo Paalam si Ramish Rahmani ng Afganistan, 5-0, upang maisaayos ang duwelo kay India’s Amit Panghal sa semifinals.

Sa Women’s Flyweight division, pinatigil ni Irish Magno si Hong Kong’s Winnie Au para maisaayos ang quarterfin­als match kontra India’s Mary Kom.

Sa Women’s Lightweigh­t division, naungusan ni Riza Pasuit si Saya Hamamoto, 3-2,para maisaayos ang quarterfin­al duel kontra Taipei’s Wu Shih-yi.

Hindi naman pinalad ang dalawa pang miyembro ng Philippine­s Team matapos matalo si Clark Bautista kontra Thailand’s Chatchai-decha Butdee sa Round of 16, habang nalista lightweigh­t James Palicte was outclassed by Uzbekistan’s Elnur Abduraimov.

 ??  ?? IBINIDA ni Marcial ang sertipiko ng pagpapatun­ay na kabilang siya sa ‘elite athletes’ na sasabak sa boxing event ng 2020 Tokyo Olympics.
IBINIDA ni Marcial ang sertipiko ng pagpapatun­ay na kabilang siya sa ‘elite athletes’ na sasabak sa boxing event ng 2020 Tokyo Olympics.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines