Balita

Kings, taob sa Raptors

-

SACRAMENTO, Calif. (AP) — Pinaluhod ng Toronto Raptors, sa pangunguna ni Pascal Siakam na kumana ng 23 puntos, ang Sacramento Kings, 118-113, nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa NBA.

Nag-ambag si Kyle Lowry ng 30 puntos, habang kumana sina Norman Powell ng 31 puntos, Serge Ibaka na may 15 puntos at 10 rebounds, at tumipa sina OG Anunoby at Marc Gasol 12 at tatlong puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Nanguna si De’Aaron Fox sa Kings na may 28 puntos, habang kumubra sina Alex Len at Kent Bazemore ng 15 puntos mula sa bench.

CAVS 132, SPURS 129

Sa Cleveland, nagbalik askiyon si Andre Drummond mula sa tinamong pinsala sa paa para makahirit ng 28 puntos at 17 rebounds, sa panalo ng Cavaliers kontra San Antonio Spurs.

Hindi nakalaro si Drummond sa huling tatlong laro ng Cavs bunsod ng ‘strained left calf’, ngunit sa kanyang pagbabalik, lintik ang lakas ng pambatong center, kabilang ang lay up na nagbigay sa Cavs ng 124-122 bentahe bago napalawig sa three-pointer ni Kevin Love.

Kumana si DeMar DeRozan sa Spurs na may 25 puntos, habang tumipa si Rudy Gay ng 19 puntos.

PACERS 112, MAVERICKS 109

Sa Dallas, hataw si Domantas Sabonis sa naiskor na 20 puntos at 17 rebounds, habang kumana si Victor Oladipo ng krusyal na opensa sa panalo ng Indiana Pacers kontra Mavericks.

Nakuha ng Pacers ang momentum sa final period at hindi na bumitiw matapos mahabol ang 104-109 bentahe ng karibal may 3:14 ang nalalabi.

“We got stops,” pahayag ni Oladipo. “At the end of the day, you can make big shots down the stretch, but we got stops down the stretch and we gave ourselves a chance to win on the road in a tough environmen­t.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines