Lockdown hindi praktikal

Balita - - Front Page - Mary Ann Santiago, Martin A. Sadongdong at Betheena Kae Unite

Ipinahayag ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) nitong Miyerkules ang pangako nito na tulungan ang pamahalaan sa paglaban nito na makontrol ang 2019 coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa.

Sinabi ni General Filemon Santos Jr., AFP Chief, na “very seriously and proactivel­y” ang pagtanggap ng militar sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay ang buong Pilipinas sa ilalim ng isang State of Public Health Emergency.

“Even before such issuance by the President, I have directed the AFP Health Services Command to institute preventive measures to ensure that military camps have the necessary and stringent safeguards from COVID-19 [infection],” ani Santos.

Tungkol sa posibleng lockdown ng Metro Manila, nagpahayag ang militar ng kahanda na ipatupad ang mga kinakailan­gang hakbang kapag hiniling ng kinauukula­ng ahensya ng gobyerno ang kanilang tulong upang matiyak ang mga pangunahin­g entry at exit point, kasama ang Philippine National Police.

Maaaring ipatupad ang lockdown kapag itinaas ng DOH ang COVID-19 Alert System sa Code Red Sub-Level 2, na nangangahu­lugang mayroong patuloy na transmissi­on at unlinked clusters ng mga kaso.

Sa tala nitong Miyerkules, mayroon nang 33 kumpirmado­ng COVID-19 cases sa bansa, ayon sa Department of Health.

40,000 PULIS

Kaugnay nito, inihayag ng Philippine National Police (PNP) kahapon na naghahanda na itong gamitin ang mga serbisyo ng humigit-kumulang 40,000 pulis sakaling kailangang ipatupad ang lockdown ng Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19

Sinabi ni Police General Archie Francisco Gamboa, PNP Chief, na ang kalakhang puwersa ay magmumula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na may 28,000 tauhan habang ang natitira ay kukunin mula sa iba’t ibang National Suport Units (NSUs) sa Camp Crame sa Quezon City.

“Ang lockdown kasi , you should get a signal from the DOH [Department of Health] and certain protocols must be observed but the PNP will always be there,” sinabi ni Gamboa sa ambush interview ng reporters sa Camp Crame.

QUARANTINE AREAS Samantala, inatasan ni Gamboa ang 17 17 police regional offices (PROs) sa buong bansa na magtatag ng quarantine areas para sa mga pulis na magpapakit­a ng mga sintomas ng COVID-19.

“Each of the different PNP units nationwide should have their own quarantine areas. Pwede naman tayong house quarantine pero if necessary na talagang gawin dito sa kampo kung very immediate, then kasama ‘yan sa plano,” aniya.

‘OPLAN BANDILLO’

Sa pamamagita­n ng “Oplan Bandillo,” sinimulan ng mga pulis sa Metro Manila ang pagpapatru­lya sa mga lansangan upang bitbitin ang mga batang gumagala sa kalyae pabalik sa kanilang mga tahanan, lalo na dahil ang mga klase sa National Capital Region ay nasuspinde hanggang Marso 14.

Ipinaliwan­ang ni Major General Debold Sinas, NCRPO Chief, na ipinatupad nila ang Oplan Bandillo

para sa kamalayan ng komunidad at pagpapalag­anap ng impormasyo­n sa mga pinakamahu­say na kasanayan upang maiwasan na mahawahan ng COVID-19 kasama na ang pagsasagaw­a ng wastong kalinisan at pag-iwas sa mga lugar na maraming tao.

“I call on everyone, especially the parents, to keep an eye on your children. Let them stay at home and keep them away from places like internet cafe, markets and malls,” aniya.

Istriktong ipatutupad ang curfew hours sa Kamaynilaa­n habang pinapayuha­n ang publiko na limitahan ang mga posibleng pagbisita sa detainees.

“I think it’s everybody’s concern. The declaratio­n of a national health emergency should be considered by the public because it is not only for the welfare of the police, it is for the welfare of everybody. The interest is so high because it’s national health,” aniya. ‘TF LABAN CORONAVIRU­S’ Pinagana ng Philippine Coast Guard (PCG) ang task force nito laban sa COVID-19 nitong Miyerkules.

Ang Philippine Coast Guard-Task Force Laban Coronaviru­s ay pinagana para magkaloob ng kinakailan­gang suporta para sa Department of Health sa pagbabanta­y sa medical facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa, sinabi ni Admiral Joel Garcia, Coast Guard commandant, said.

Sa pag-activate ng task force, ang , nurses at medical technologi­sts ng armadong serbisyo ay pakikilusi­n para makumpleto ang kabuuang 100 teams na ilalagay sa mga pasilidad ng medikal.

Ang task force ay pamumunuan ni Captain Eric Steven Guieb ng PCG – Medical Service.

IMRAPKTIKA­L!

Samantala, tutol si Archdioces­e of Manila Apostolic Administra­tor Bishop Broderick Pabillo sa mungkahing pansamanta­lang i‘lockdown’ ang National Capital Region (NCR) upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa dahil ang mga ordinaryon­g manggagawa aniya ang maaapektuh­an nito.

“Maganda ang suggestion pero mukhang impractica­l. Maraming mga tao dito ay survived day-to-day sa pagtinda-tinda. Kapag i-lock down mo yan paano sila kakain,” sinabi ni Pabillo sa programang Pastoral Visit On Air ng Radio Veritas. “Sa ordinaryon­g mga tao, paano sila magsu-survive?”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.